Pandaigdigang Recession…Ano na kasunod?

Hindi talaga mapigilan ang pagbulusok pababa ng pandaigdigang ekonomiya sa mga panahong ito. Sa araw-araw na nagbubukas ako ng aking computer, tatambad na lang sa aking mga mata ang mga balitang si ganitong kumpanya ay nagbawas ng tao at kung ano ano pa. Ano na ang kasunod pagkatapos nito?

Kahapon lang nakausap ko ang dati kong kasama sa trabaho, at nakumpirma kong ang Intel ay tuluyan nang mawawala sa Pilipinas. Marahil ay hindi matatapos ang taon ay tuluyan nang isasara ang humigit kumulang 30 taong pamamalagi ng factory ng microprocessor at chipset sa Pinas. Malaking kawalan ito, lalo na’t isa sa top exporters ng bansa ang nasabing kumpanya. Kunsabagay, di lang naman sa Pinas, dahil pati sa Malaysia at iba pang bansa ay may isasara rin sila. Humigit kumulang 5000-6000 empleyado nila worldwide ang mababawas na naman.

Narito pa ang ilang balitang tanggalang aking nasagap:

  • Texas Instruments – magbabawas ng 12% ng global workforce nila o mga 3,400 na trabaho
  • Pfizer, to buy another big name in pharma – Wyeth
  • Philips – to cut 6,000 jobs
  • Caterpillar – will to cut 20,000 jobs
  • Wala ako masyado balita kung ano pang kumpanya ang nagbabawas ng tao sa Pinas. Pero sa nangyayari ngayon, ano ba ang kasunod? Alam kong kapag nasa ibaba ka, walang ibang way kundi ang umakyat muli, pero ang tanong, hanggang kelan ka mananatili sa ibaba bago ka makaakyat ulit? Kanino ba natin iaasa ang kasagutan sa pandaigdigang krisis na ito?

    Basta ako, umaasa ako kay PJ, dahil lahat naman ng meron sa mundo ay galing sa kanya.😀

    Paliwanag mousmous
    Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

    5 Responses to Pandaigdigang Recession…Ano na kasunod?

    1. walongbote ay nagsabing:

      parehas kayo ng post ni rowjie. tama maraming natanggal na pinoy sa intel. kawawa talaga. nakakatakot ding isipin na kung worse ang 2008 mas worse ang 2009 dba?

    2. Rowjie ay nagsabing:

      yah. mahirap talaga magbaka sakali ngayon… kasi kahit yung malalaking mga kumpanya eh naaapektuhan rin ng krisis na ito

    3. Kwentulang Marino ay nagsabing:

      sabi ng iba ito’y dahil sa paglikha ng sobrang produkto at kasakiman!

    4. kengkay ay nagsabing:

      dito rin sa alemanya, ganyan din😦

    5. mousmous ay nagsabing:

      sabi nga…money is the root of all evil!

    Mag-iwan ng Tugon

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

    Connecting to %s

    %d bloggers like this: