Tanong tanong lang…

Naisip ko lang isulat itong mga tanong na ito, kasi si best friend ko bumili daw ng book na may mga ganitong klaseng tanong. Baka masagot niyo kung bakit…

  • Bakit ang mais may buhok?
  • Bakit siopao, may papel sa ilalim?
  • Bakit ang langgam, hindi hinihika kahit maalikabok sa bahay nila?

  • Bakit ang daga di namamatay sa dumi at sa mabahong paligid?
  • Bakit ang siomai, kailangang toothpick ang gamiting pantusok para kainin? Pwede naman fork or bbq stick di ba?
  • Bakit ang tinawag na “Cheezy” ang kapag inihahayag mo ang iyong nararamdaman kapag may nililigawan ka?
  • Saan ba nagmula ang mashed potatoes?
  • Bakit kalimitang triangle ang shape ng tortilla chips? Madami naman ibang hugis, triangle pa ang ginawa sa kanya? Minsan may bilog tulad ng tortillos at taquitos, pero bihira ang square, o hexagon.
  • Ano ba ang kaibahan ng camote fritters sa camote cue?
  • Bakit kapag malaki ang itlog na iginulong sa harinang may kulay orange, kwek-kwek ang tawag? Pero pag itlog ng pugo at iginulong sa harinang kulay orange, “tuknene” na ang tawag? Pag iningles mo naman, “Egg waffle” na…soshal!
  • Kelan pa ba nauso ang pagpapakalbo? Meron bang kalbo sa North Pole?
  • Bakit pag may sago, hindi nawawala ang gulaman?
  • Bakit ba tuwing magpa-Pasko lang may puto bumbong?
  • Bakit ang root beer, tinawag na “root beer”? Pareho ba sila ng ingredients ng beer? Di naman sila magkalasa, ang lam ko lang carbonated din yung root beer pero hindi alcoholic.
  • Ano ba lasa ang “nganga” at bakit yung matatanda ay kinakain ito? Energizer ba ito?

 

At last but not the least…

  • Bakit ba ang ballpen, pag nagkakayat ng tinta sinasabing “nagtatae”? Pwede naman sabihing nagkakayat o nagkakalat ng tinta di ba? O tumatagas yung tinta, pero kelangan pang ikumpara sa pag-jebs😛

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

3 Responses to Tanong tanong lang…

  1. dahlia ay nagsabing:

    hehe mga katanungan mo haha nkkbliw!

  2. tinsters ay nagsabing:

    nakakaaliw mga ganitong blog mo ate😆

    • mousmous ay nagsabing:

      nakakabaliw nga, nakakaaliw na din kapag maraming buwisit sa paligid😛 hahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: