Spring Waves

Heto na naman ako, ilang araw ko din hindi nabisita ang bahay kong ito. Ang weirdo ng pakiramdam ko. Gusto kong umiyak, hindi ko maintindihan kung naho-homesick ba ako o ano? Sa totoo lang miss ko na prends ko.

Kagabi kasi napanaginipan ko si mamavic, di ko alam kung bakit bigla ko siyang napanaginipan. Di ko naman siya iniisip nitong mga nakaraang araw. Nawirdohan lang ako kasi parang may dinaramdam siya sa panaginip ko, kaya nung nagkita kami, niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang totoo ang nangyari, parang nabuhayan siya nung nagkita kami. Naramdaman ko ang higpit ng yakap namin, muli daw kasi kaming nagkita.

Read more of this post

Begging to the Next Level

Eto ang tipo ng high-class beggar dito sa Canada. Kung sa Pinas, bulag na gitarista o di kaya naman eh banda ng mga senior citizen ang makikita mong nagpe-perform sa mga palengke o kaya ay sidewalks, dito naman ay biyolin ang tinutugtog para sa karampot na baryang maipapamahagi ng mga may mga malalambot na pusong mamamayan.

Kunsabagay, magkano nga naman ang barya dito? Sa 3 dolyar, mahigit isang daang piso yata ang katumbas nuon, kung bigyan sila ng ganung halaga, makakapag McDo na sila dito.

*woot*

Ang Nagtitipid…

Kanina habang binisita ko ang isang bahay ko dito sa cyberworld, nasulyapan ko ang Multiply site link ng TV commercial director na si Paul Alexie. Isa pala sa pinakabago niyang likha ay ang TV ad ng Pizza Hut.

Isang mag-asawa ang nagtitipid, ang gumawa ng sariling flat panel TV sa kanilang bahay. Naisip ko tuloy na bakit di ko kaya gawin din ito ngayon, tutal wala pa akong TV dito, at pangarap ko din ang magkaroon ng flat panel na ganyang kalaki. 😀

Vodpod videos no longer available.

more about "Welcome to Tabbed Browsing", posted with vodpod

*VIDEO SOURCE:
Basinilio, P. January 27, 2009. Nagtitipid? Retrieved February 5, 2009 from http://paulbasinillo.multiply.com/video/item/73

Light Moments: “You Changed My Life” Mania

Heto na, sa kabila ng krisis saan mang panig ng mundo, wag sana nating kalimutang ngumiti at pasayahin ang ating mga sarili. 😀

Hindi talaga ako maka-get over kapag ito ang pinag-uusapan, siyempre, favorite ko si SG at si Lloydie, tapos pinagsama pa sila sa movie, ang cute. In fairness, talaga namang nakakakilig ang unang pelikulang pinagtambalan nila na A Very Special Love. Quite memorable din ito dahil sa kagustuhan kong mapanood ito noong isang taon, siya namang araw ng pag-alis ko sa Pinas yung premiere night ng nasabing pelikula. Mabuti na lang at may mga mababait pa din tayong prends dun at binigyan ako ng DVD.

Sa ikalawang kabanata ng istorya nina Laida at Miggy, ano naman kaya ang susunod na mangyayari? Siyempre mag-syota na sila dito. hehe

Sa tingin ko naman ay bagay sila, nararamdaman ko naman na may “onscreen chemistry” sila, isa pa, pareho silang may wholesome image. Gusto ko din naman pag ka-partner ni Lloydie si Bea Alonzo, pero siyempre, parang double-prize kapag si SG at Lloydie ang mapapanood ko. ang bias ko talaga. haha

At inilabas na pala ang music video ng bersyon ni Sarah ng awit na ito…makaluma, malumanay, at malambing bias na naman.

Vodpod videos no longer available.

Na-miss ko tuloy si Jeng, ung kaopisina ko dati, kasi nung panahon ng A Very Special Love movie, ginagaya niya din si Sarah sa pagkanta ng awit na ito. Kwela ang bawat umaga namin dahil dito. hay. kaka-miss lang…

*VIDEO SOURCE:
You Changed My Life in a Moment by Sarah Geronimo Official MV, Retrieved February 4, 2009 from http://starcinema.multiply.com/video/item/88/You_Changed_My_Life_in_a_Moment_by_Sarah_Geronimo_Official_MV

%d bloggers like this: