When Everything is Meaningless…anube

Wavy ako…wavy kasi ang bff ko, wavy talaga…ano bang depression ito at nakakahawa…matutunaw na mga snow, sumisibol na mga dahon sa puno. Bakit ngayon? Dapat ang tagsibol ay simbolo ng panibagong buhay, panibagong pag-asa matapos ang “gray days”.

Bakit nga ba kahit anong narating ng isang tao, kung ang mga bagay na kanyang tinatamasa ay walang kabuluhan, walang saysay ang lahat…Subalit sabi ko nga sa kanya, ang kahit anong bagay ay walang saysay kung hindi ito bibigyan ng importansya.

Kung ako’y bigyan mo ng isang tumpok na dyamante, kahit ilang bilyon pa ang halaga nito…kung hindi ko naman pahahalagahan ay wala ring saysay. Kung minsan, ang kasagutan sa masalimuot na tanong na “Saan ba ako patungo?” ay nasa ating mga sarili lang…oo sa atin, dahil nasa free will natin kung paano natin tatanggapin ang biyaya ni PJ na libre naman. Ewan ko ba sa madaming tao, libre na nga binibigay yun ni PJ, ayaw pa natin…marahil dahil sa malimit kaysa hindi ay, kalakip ng biyaya ni PJ ang mga bagay na sa tingin natin ay di ayon sa ating panlasa.

Sabi nga sa banal na aklat, dapat ay i-deny natin ang ating mga sarili at dalhin ang ating mga krus…siyempre ito’y hindi literal na magpasan tayo ng krus. Ibig sabihin lang nito ay huwag nating sundin ang ating sariling mga kagustuhan o yung sinasabing “tawag ng laman”….o baka kung ano isipin niyo.

“Tawag ng laman” means, ang mga bagay na hinahanap natin na makapagbibigay ng kaaya-ayang pakiramdam sa ating katawang panlupa. lalim whew…

Sa ganang ito, tayo’y nagsa-sacrifice ng ating mga kagustuhan para masunod ang kagustuhan ng ating mahal na PJ tungo sa kabutihan, fulfillment at kabuluhan ng buhay.

Hay, ang aking kaibigan, kung mababasa mo man ito…sana’y wag mong isiping walang kabuluhan ang buhay mo…

PJ loves you and His love is steadfast that it extends beyond heaven…down to you and me and to everyone.

God bless you.

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

One Response to When Everything is Meaningless…anube

  1. Madaline ay nagsabing:

    ang nakakaaliw, kumpleto na ang klasikong Pinoy trinity ng John en Marsha:. Ang asawang babae (Nida), ang asawang lalaki (Dolphy), at ang? biyenan (Dely)…. . Sumalangit-nawa po ang mga kaluluwa ng mga sumakabilang-buhay na…T~T….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: