Proud Irony

Nuong isang linggo ay nakapagbasa ako ng isang edition ng The Filipino Journal na inilalahatla at ipinamimigay ng libre dito sa Winnipeg. Isa sa nakapukaw ng aking atensyon sa front page nito ay ang mga Pilipinong nabigyan ng estadong “citizen of Canada”. Isa sa mga ipinagmamalaki ng pahayagan ay ang apo ng isang diumano’y heneral na isa sa mga bayaning lumaban noong panahon ng mga Kastila.

Hindi ba nakakatawang isipin na ang mga Pinoy dito, naipagmamalaki pa ang ganitong “achievement” kuno…ang maging Canadian Citizen…na kesyo apo pa siya ng bayani o ng kung sinong sikat sa Pilipinas. Kung ako ang taong iyon, hindi ako magiging proud dahil ang lolo ko ay isa sa mga bayani ng Pilipinas…bayaning nakipaglaban para sa kalayaan ng kanyang lupang sinilangan. Kung aking niyayakap sa ngayon ang pagiging mamamayan ng banyagang lugar, isang malaking sampal ito sa legacy na iniwan ng aking lolo…

Sampalin niyo nga ako kung walang sense ang mga sinasabi ko…kung isa kang tunay na may dugo ng bayaning Pilipino, nawa’y itago na lang sana ang ganitong pangyayari…nakakatawa…Oh I’m the grandson of Gen. XX, a Philippine hero…and now I’m proud to be a Canadian…

Ito ang buhay Canada…abangan ang susunod….

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

2 Responses to Proud Irony

  1. kengkay ay nagsabing:

    sa totoo lang, kawawa naman ang mga ninuno nila. akala naman nila masayang manirahan sa hindi nya tunay na bayan kahit na may papel sila. mas maganda pa rin sa pinas, kahit anong sabihin natin. at kahit anong masamang balitang masagap ko tungkol dito. bow😀

  2. siyetehan ay nagsabing:

    well, siguro mas importante sa kanya ang pagiging canadian citizen kaysa ang maging isang “sikat na apo” ng isang pinoy.

    mabuti na lang hindi ka niya katulad

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: