Kalusugan o Kayamanan?

Sabi ng marami, ang kalusugan ay maituturing na kayamanan ng isang tao, dahil kung hindi ka malusog, balewala ang kayamanan mo dahil mauubos lang yan sa kakapagamot mo…:P

Sa madali’t sabi, kaya ako nagsulat ngayon eh dahil hindi maganda ang kalusugan ng aking kamay. Ilang araw na, may mahigit kumulang 2 linggo na kung saan, nakakaramdam ang aking kaliwang hinliliit at palasingsingang daliri ng “tingling” at “numbness”. Kung minsa pa ay nanginginig habang ako’y nagpapahinga. Nung isang araw ay nakakuha ako ng appointment sa family doctor namin, kaya lang 1 week bago ako makapunta….hanggang dito kasi mahaba pila sa doctor, di ka naman pwedeng magpalit o pumunta sa kung sinong duktor lang, kelangan pang meron kang personal duktor sosyal!.

Nagpaalam ako kay Bob, ang boss ko, at pumayag naman siya…dapat lang dahil kung hindi, hahanap na talaga ako ng ibang karir at its will be his lost!. Matapos neto’y nagbiro si Angge (ang aking kasama) na kaka-peysbuk ko daw ito…kaya nga ba tinigilan ko muna pansamantala ang peysbuk, pero ano ito’t nagsusulat naman ako sa blog na ito? Adik kasi.

Ang hindi alam ng lahat ay mayroon akong part time job ngayon. Hindi ko naman ginusto na gawin pero dahil andito na, ayun….pumasok akong interviewer para sa survey. Sabi ko sa sarili ko, i-try ko lang. Ikatlong araw kanina, at parang ayaw ko na, dahil lalong namamanhid ang kamay ko sa katatawag sa telepono. Kung bakit matino naman ang kita ko sa full time job ko, wala naman akong pamilya, eh parang sira akong naghahanap ng sakit ng katawan.

Kaya nga ba dapat ay kalusugan muna bago kayamanan. Pag may kalusugan kasi, may kayamanan ka na din di ba?

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

7 Responses to Kalusugan o Kayamanan?

  1. jason ay nagsabing:

    hehehe pero kung praktikal,

    syempre kayamanan.. kasi kayamanan ang gagamitin mo para
    mapanatiling maayos ang iyong kalusugan.. hmmmmm

    pero syempre naniniwala akong ang kalusugan ay kayamanan.

  2. Ampness! ay nagsabing:

    Syempre kalusugan. Aanhin mo ang kayamanan kung mamamatay ka na rin naman. Ehe

    Dapat ipa-tingin nyo na nga po yan. Hindi maganda yung pinapatagal pa yung mga nararamdaman, at baka mauwi pa yan sa mas malala. Wag naman sana..😉

  3. mousmous ay nagsabing:

    oo nga, magpapatingin na nga ako. ano nga ba nauna? ang kayamanan o kalusugan? o sabay sila?🙂

  4. aLps ay nagsabing:

    Kalusugan o Kayamanan is similar to the chicken and egg problem. Hehe.

  5. taban ay nagsabing:

    mas piliin ko ang kalusugan kaysa kayamanan dahil aanhin natin ang kayamanan kong hindi naman natin madadala sa langit…

  6. angel ay nagsabing:

    kung ppipiliin aq ang pipiliin q ay klusugn kc ang klusugn ay maituturing n kayamanan

  7. oo ngahh tama cya..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: