Ang “Friendship Menu”

Ang winter ay sadyang nakaka-depress…mala-iyelong hangin ang sumasalubong sa iyo…ang mga puno’y animong walang buhay…ang mga ilog ay tila isang malaking skating rink….halos buong paligid ay nababalutan ng snow….Ang lahat ng ito ay nakakatulong para maging mas malungkot ang mga panahong wala kang makausap…lalo pa’t ang mga inaasahan mong taong kakausap sa iyo ay hindi mo ma-reachkontak.

Hay…emo mode naman oh!😀

Ang kokey kasi, nag-eemote nung isang araw…siguro nababagot na sa pinag-aaralan niyang chapter chapter sa libro. Kaya ba mas gusto ko ang mathematiks! walang dapat i-memorize, masaya pa ang buhay sa kodigo ng formulang nakaipit sa scientific calculator nung ako’y nag-aaral pa 😛

Sa kanyang kalungkutang nadarama, naisigaw niya tuloy sa kanyang peysbuk kung ang “friendship” ba daw ay nag-eexpire…nag-eexpire nga ba ang friendship???? sagutin niyo ako mga sushi! ^_^

Well, sa aking palagay, kung nai-relate ang friendship sa “expiration”…ire-relate ko din ito sa pagkain…Ang FRIENDSHIP ay parang pagkain…kapag maganda ang pagkakaluto, hindi agad napapanis…pero kung may mali o na-contaminate ang niluluto mo, sigurado akong hindi na aabutin ng agahan ay sira na ang pagkain.

Ganun din ang FRIENDSHIP…dapat ay high-grade ingredients lang ang nilalagay natin para siguradong mas mape-preserve ito ng maayos lalo na’t eto ang paborito nating menu…Siyempre, hindi kelangang puro matamis, kasi nakakasuya…hindi din pwedeng panay maalat…magkakasakit tayo sa bato niyan…at mababatukan tayo ng mga FRIENDS natin…at hindi din naman pwedeng maasim…dahil walang hahantungan yan sa huli kundi ang maging maasim….maasim…maasim na mukha…BITTER in short?…at lalong wag ang mga mapapait na sangkap dahil baka maging BITTER tayong lahat!😛

Siyempre, ang pinakamasarap na menu ay ang naroon lahat ang mga panlasang nabanggit ko…wag lang ang mapait…mga Ilokano lang yata ang may gusto ng Papaitan noh! Kaya sa ating mga FRIENDSHIP menu, masarap ang minsan ay sweet tayo, minsan ay may topak, minsan ay malungkot…mas malimit na masaya…at siyempre wag lang maging BITTER….of course di ba?! Hindi kasi natin ma-aappreciate ang significance ng ating mga companions naks kung hindi natin mararanasan na maging dependent din sa kanila…At siyempre, ganun din sila…kaya nga ang ibig sabihin ng MUTUAL FUND eh give and take di ba?

Kumusta na ba ang FRIENDSHIP MENU niyo? Ako may mga bago akong MENU, pero may isa pa din na nagiging ALL TIME FAVORITE MENU…yan ang ating mga BEST FRIENDS! char!😀

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: