Bakit daw nakakapagpasaya ang SAGING?

Kahapon nakikinig ako sa Good Morning Philippines nina Donna at Chester nang napunta ang usapan nila sa mga prutas. Sabi ni Donna, etong saging daw ay nakakapagpasaya…siyempre nagtanong si Chester kung bakit?

Donna: Eh may nakita ka bang unggoy na malungkot???

Hay Donna naman, meron kayang unggoy na malungkot noh, punta ka sa zoo…malungkot sila dahil nakakulong sila…. Pero in fairness, masayahin nga naman ang mga unggoy, minsan siguro nagpapanggap lang silang malungkot.

Bakit nga ba nakakapagpasaya daw ang saging? Akala ko dahil sa ang saging ay: (a) pantawid gutom; (b) mainam sa puso; (c) malinamnam, kapag kumain ka, satisfied ka kaya di ka mabubugnot; (d) pwede mong ibato sa daraanan ng kinabubugnutan mo para madulas siya (bad).

Well, ang sabi ni Donna, ayon sa kanyang research, meron daw etong substance na tryptophan na nakakapagpa-relax ng mood, kaya kapag kinain mo siya…ma-rerelaks nga namana ng isip mo at pagkatapos ay hindi ka mababagot or malulungkot…MASAYA ka na in short….

^_^

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

2 Responses to Bakit daw nakakapagpasaya ang SAGING?

  1. kengkay ay nagsabing:

    ay oo, ang mga unggoy dito sa manila zoo malungkot kasi ang liit ng bahay nila atsaka asa kulungan sila. wawa man.

  2. Gmoron ay nagsabing:

    natawa naman ako dun sa kung may nakita ka nang unggoy na malungkot… pambara lang e no? ^^

    parang yung saging din ang pang-laban sa pimples… bakit?
    (corning sagot:) kasi may nakita ka na bang unggoy na may pimples? bwahahahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: