Bagong Taon….Bagong Edad…Bagong mga Pangarap

2011 na! Parang kailan lang ay kaka-2010 pa lang ah ^_^…kay bilis ng panahon…magta-3 taon na din pala ako dito sa bansa ng mga polar bears….mag-2 taon na ang bebe kong may gasgas…at isang taon ang isa ko pang bebeng panglibangan…at higit sa lahat…umedad na naman ako ng isa pang taon kung saan malapit na akong gumradweyt sa kalendaryo pala…oh no!….hmmm…kaya siguro palagi nang may sumasakit sa katawan ko huhuhu….

Subalit hindi na bale, ang masaya nito…tapos na ang waldasan ng pera dahil tapos na ang holidays🙂 Kahit anong tipid ko, wala pa din…nagasgas na ang mga credit cards at debit card ko, parang ang konti pa din ng naipamigay kong regalo….

Panibagong pag-iipon na naman…panibagong pagpaplano ng buhay…bagong mga pangarap…

Oo… bagong mga pangarap…dapat nag-eevolve din ang mga pangarap dahil nag-iiba ang circumstances sa ating buhay…Kung dati, pinangarap ko lang na makapagtrabaho sa abroad…ngayong nasa abroad na ako…pangarap ko namang libutin ang mundo habang ako’y nabubuhay.🙂 havey!

O baka sabihin ng ibang epal dyan eh ang taas ng pangarap ko. Kayo na ang hindi mangarap ng ganyan…wala namang masama…ang mahalaga ay may pangarap ako di ba…

Napagtanto kong, mas masaya ang “ma-experience” mo na “makita ang mundo” kaysa sa anumang materyal na bagay….siyempre, bonus na kung meron ka nun…lalo na kung may DSLR camera ka (na naging point of agitation ni Ronturon. :P) para maisalarawan mo ang iyong karanasan sa pagbiyahe at irekord ang magagandang tanawin at sandali ng iyong paglilibot….

Dati, iniisip kong unang balikan ang Pilipinas…bakit nga ba hindi? Napag-isip isip kong, mahigit 2 dekada na akong namalagi dun, bagama’t hindi ko pa nalilibot ang buong bansa…mas mamabutihin kong libutin muna ang ibang parte ng mundo bago ako bumalik dun…para mas ma-appreciate ko siguro kung ano ang pagkakaiba-iba ng mga tao, ng lugar, ng kultura, ng tradition…at ipagmalaki ang mga mas magagandang bagay na sa Pilipinas ko lang matatagpuan na sana’y marami pa nga.

Hayyy…sa kabila ng pagiging boring dito sa nasyon ng mga polar bears, masaya na din ako dahil kung may isang magandang nangyari sa akin dito…ito ay yung mas magkaroon ako ng kakayahang makapaglibot libot sa iba’t ibang lugar…di man lahat sa ngayon, unti unti ko nang nailalakad ang aking mga paa para sa aking pangarap….

🙂 Bon voyage!

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: