Show Off

Excited si Nanay, kasi Enero na…ilang buwan na lang, makakauwi na daw siya ng Pinas. Ilang ulit na din siyang nagbalak este magalsa-balutan at umuwi ng Pilipinas dahilan sa di daw niya ma-take ang tatay ko. Sa tuwi-tuwinang may di sila pinagkaka-unawaan…ayun, bukambibig na niya ang “Uuwi na ako!”

Well, kung ako tatanungin, mas mabuti pa nga siguro na nasa Pinas siya, nang sa gayo’y hindi siya naiinip. Napakadami kasi niyang reklamo dito, unang una na ang mga iyelo sa labas at ang makatanggal pangang lamig. Hindi ko naman siya masisi, pero siya kasi ang unang nag-ambisyong pumunta kami sa lupaing ito. Hindi niya inasahang madaming hirap at sakripisyo ang dadanasin ng isang magsisimula ng panibagong buhay dito. Malayong malayo sa inakala ng karamihan na maginhawa ang lahat ng nagpupunta sa abroad. Malayong malayo sa inasahan niyang maginhawa na agad ang buhay niya pagdating dito.

Sa kabilang banda, masasabi kong OO, maginhawa ang buhay dito, dahil kahit minimum ang sahod mo, makakaupa ka ng apartment, makakakain ka ng 3 beses sa isang araw, at may extra kang kaunti pambili ng damit at sapatos mo. At dahil nga sapat lang para sa mga nabanggit ko ang sahod na minimum, hindi na kakayanin na makapagtabi pa para maipamahagi sa mga kamag-anak o kaya’y bumili ng malalaking bagay gaya ng sasakyan.

Kaya nga ba ang karamihan sa mga Pinoy dito…palibahasa’y madaming kayabangan sa katawan…2, 3, hanggang 4 ang trabaho mabili lang ang kanilang mga gusto to “show off”. Sa totoo lang, ang sasakyan ay walang dudang kailangan dito, dahil limitado ang mass transportation. Pero marami sa mga Pinoy, magagarbo ang kinukuhang sasakyan, para nga naman astig at sikat kapag nagpa-piktyur na at ipapadala sa mga kaanak sa Pinas. Di alam ng mga pobreng kamag-anak na, kailangang kumayod ng husto at isakripisyo ang patulog para lang mabayaran ang napakalaking pagkakautang sa magarbong sasakyan.

Bukod pa dito, maraming nag-aasam at agad kumukuha ng bahay para lamang masabing, madali silang nakakuha o nakabili ng bahay…kagaya ng ilang nai-feature na sa tv documentaries. May iba na 1 or 2 taon pa lang na nakaka-migrate, nakakuha na ng bahay. Ang hindi alam ng maraming nasa Pinas kapag nabalitaan ang mga ganito, ay inutang lang naman ang bahay. Sabi ng marami dito, ang mga negosyante o tumatama lang sa lotto ang nakakapag-cash sa pagbili ng bahay, the rest ay panay utang na. Ang masama pa nito, marami sa Pinoy na nakita ko ay, pati downpayment at closing costs, inuutang pa din. Kaya ang resulta, kailangang kumayod ng kumayod, dahil kung hindi, mawawala ang bahay.

Kaya nagpapasalamat ako ngayon at naintindihan ng nanay ko na hindi ganun kadali ang mga desisyong kumuha ng ganito o ganyan, lalo na’t dekada ang bibilangin bago mabayaran ang lahat. Walang masama kung kaya mong bayaran monthly bills at loan payment galing sa kinikita mo sa isang trabaho lamang. Or, pwedeng dalawa, isang full time at isang part time job. Pero ang magkaroon ng 3 or 4 na trabaho, isang kahibangan na yan. Akala ng nanay ko, kayang kaya niya ang ganun, hindi kaya.

Kaya ngayon, minabuti niyang magbakasyon na lang muna sa Pinas at saka na pag-isipan ang pangungutang ng mga bagay na gusto niyang makamit.

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

2 Responses to Show Off

  1. tinsters ay nagsabing:

    gusto ko pa naman sana ng part time jobs mga 3 o 4 din lol

  2. mousmous ay nagsabing:

    hehe, ok lang yun kung kailangan mo talaga para sa mga “kailangang” bagay at hindi sa mga “kayabangan” di ba?😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: