Unlove, Delete, Restart

Kanina ay nagpasiya kami ni Neerz na panoorin ang pelikula ni Papa P at Toni. Kami na lang kasi yata sa lupon ng mga kaibigan namin ang hindi pa nakakapanood…halos pang-4 na linggo na yatang tumatakbo nito sa isang sinehan dito sa Winterpeg. Halo-halo kasi ang mga reviews, may iba na nagsasabing maganda daw, samantalang sabi naman ng iba ay hindi daw ito maganda para sa kanila.

Sa madaling salita…na-curious kami. At dahil araw ng Sabado ngayon, kailangan naming mag “self-care” ni Neez. Bakit naman kasi hindi, isang linggo na kaming puro trabaho at aral, nakakapagod na, kailangang mag-relax naman.

Alas-4 nagsimula ang palabas, bumungad sa amin ang kakatwang mga eksena…at hanggang sa naglaon ay nagpalit ang mood sa mga kadramahan. Nandun din ang mga pamosong batuhan nila ng wagas na linya gaya ng “How do I unlove you?” Parang terminolohiyang pang-computer lamang…unlovedelete…at start…o pwede kong sabihing restart…Sa kabuuan naman…masasabi kong maganda para sa akin ang kwento ng pelikula…hindi kasi nga pangkaraniwan sa pelikula ang katapusan ng kwento ng mga bida, pero kung iisipin ko, maganda ang kwento nina Marco at Ginny kahit hindi sila nagkatuluyan sa huli.

Marami sigurong nakaka-relate sa istorya nila…ngunit maraming nanood na nagnanais pa din ng happy ending kung kaya’t hindi nila nagustuhan ang katapusan nito. Pero sa totoo lang, kung lalaklak nga tayo ng realidad…hindi lahat ng pag-ibig ay may happy ending…hindi lahat ay nabibigyan ng pangalawang pagkakataon. Kung minsan, kahit nagmamahalan pa ang dalawang tao, kailangang ituloy ang buhay kasama ang iba dahil magiging malaki ang “cost” o “damage” kapag ipinagpatuloy nila ito. Hindi lahat ng pagmamahalan ay nagsu-survive dahil iniibig lang ng dalawang tao ang isa’t isa, andyan lagi ang realidad na nagpapakita sa atin na ang buhay, umikot man sa pag-ibig…kailangan pa ring pairalin ang kapakanan ng mga tao sa paligid dahil hindi natin kailangang maging makasarili o di kaya nama’y hindi lang isang tao ang kukumpleto sa kwento ng buhay natin. (ang gulo ko noh?)

———

Read more of this post

PSD

PSD – Protein-S Deficiency

Kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo…ako pa talaga ang isa sa mapalad na napagpa-unlakan para magtamo ng ganitong kalagayan. Isa kasi itong kondisyon ng kalusugan kung saan ang dugo ay kulang sa elementong tinatawag na “protein-s”. Ang “protein-s” ay ang nagsisilbing taga-balanse upang hindi tuluyang mamuo o mag-coagulate ang ating dugo. Sa pagkakataong mawala ito o magkulang ito, maaaring magkaroon tayo ng internal blood clotting na siyang peligro sa normal na daloy ng dugo sa ating mga ugat.

At puro dugo talaga ang sinasabi ko.

Read more of this post

Untitled Feelings

Hindi ko mailarawan kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Siguro, bunga ito ng iniisip ko na “nagbabagong buhay” na ako. Nagbabagong buhay nga ba sa alin? Sa wari ngayon, bumabalik lang ang dati kong sarili…nakakapagsulat na naman nga ako sa bahay kong ito oh.

Read more of this post

Social Media

Ang mga susunod na mga pangungusap ay bunga lang ng aking nababasa,nararanasan, o di kaya naman’y nakikita sa loob ng mundo ng “social media”. Siyempre, eto na ang era ngayon, lahat yata merong FB, twitter, instagram, LinkedIn; kahit sino pwede mo nang sundan o I-follow….ito ang panahon na ang pagiging “stalker” ay napakadali na lamang.

  • Kung nakakabwisit na, I-unfollow o I-unfriend mo na.
  • Kung walang masabing maganda, may “block” button naman o kaya “Report as Spam”

Read more of this post

Workaholic

Workaholic….

Yan….ganyan ko I-describe ang sarili ko ngayon. Hindi kasi inaasahan, biglang nagpasiya ang aming kumpanya na mag-reorg at kaakibat nito ay magbawas ng tao. Pero hindi lang basta empleyado ang pinaalis nila…ito ang mga empleyadong may mataas na katungkulan gaya ng bise-presidente ng aming dibisyon. Nakakalungkot man, kailangang mag-move on at tanggapin ang mga pagbabago. Kasabay ng mga pagbabagong ito ay ang pag-downsize ng aming grupo…kung dati ay 3 kaming taga-plano ng mga materyales, ngayon ang 2 na lang kaming sumasalo ng lahat ng trabaho.

Tunay na nakakapanibago… Read more of this post

September 4 OwEyt

September 4, 2008

Yan ang araw kung kalian nagsimula akong maniwala na ang totoong pagmamahal ay walang pinipili. Hindi ko pa alam noon na naniniwala na ako, pero totoo palang mayroong unconditional love na masasabi. Kapag kasi pinag-uusapan na ang “love”, ang daming ibig sabihin, ang daming opinyon, at sari-sari ang karanasan dito ng bawat kasali sa usapan. Pero sa dinami-dami ng ibig sabihin ng “love”, dalawa pala ang kahulugan nito sa wikang Filipino/Tagalog.

Ayon kay Tito Frank (hindi ko siya kamag-anak, tatay lang siya ng bespren ko dito), ang “love” daw ay may dalawang klase…ito yung “pag-ibig” at “pagmamahal”. Kapag sinabing “pagmamahal”, ang ibig sabihin daw nito ay ang love or pagmamahal natin para sa kahit kanino; katulad ng pagmamahal sa magulang, kapatid, kaibigan, o sa kapwa tao. Ngunit kung ang pinag-uusapan na daw ay “pag-ibig”, ito na yung love or pagmamahal sa isang “iniirog” o “sinisinta”. Ang lalim di ba?! Akala ko hindi ko mage-gets ito! Pero may punto si Tito Frank, at iba nga ang konteksto ng “pag-ibig” sa “pagmamahal.”

***

Read more of this post

%d bloggers like this: