September 4 OwEyt

September 4, 2008

Yan ang araw kung kalian nagsimula akong maniwala na ang totoong pagmamahal ay walang pinipili. Hindi ko pa alam noon na naniniwala na ako, pero totoo palang mayroong unconditional love na masasabi. Kapag kasi pinag-uusapan na ang “love”, ang daming ibig sabihin, ang daming opinyon, at sari-sari ang karanasan dito ng bawat kasali sa usapan. Pero sa dinami-dami ng ibig sabihin ng “love”, dalawa pala ang kahulugan nito sa wikang Filipino/Tagalog.

Ayon kay Tito Frank (hindi ko siya kamag-anak, tatay lang siya ng bespren ko dito), ang “love” daw ay may dalawang klase…ito yung “pag-ibig” at “pagmamahal”. Kapag sinabing “pagmamahal”, ang ibig sabihin daw nito ay ang love or pagmamahal natin para sa kahit kanino; katulad ng pagmamahal sa magulang, kapatid, kaibigan, o sa kapwa tao. Ngunit kung ang pinag-uusapan na daw ay “pag-ibig”, ito na yung love or pagmamahal sa isang “iniirog” o “sinisinta”. Ang lalim di ba?! Akala ko hindi ko mage-gets ito! Pero may punto si Tito Frank, at iba nga ang konteksto ng “pag-ibig” sa “pagmamahal.”

***

Kaya mabalik nga ako sa significance ng araw na sentro ng sulating ito…ang araw na nagsimula ang “unconditional love” namin ng best of the best friend ko (in short – bebest friend). Ang September 4, 2008 ang araw na nakilala ko ng personal ang aking bebest friend, ang isang taong nagparamdam sa akin na pwede pala akong mahalin, na may halaga din pala ako sa kabila ng mga kahinaan ko. Ito din ang araw na hindi ako namili ng kakaibiganin; sa araw na ito nagsimula kong tanggapin ng buo ang isang taong malugod na nagbibigay ng kanyang pakikipagkaiban…at nang lumaon ay pagmamahal na pala sa kabila ng kanyang mga “flaws”.

Limang taon na ang lumipas, kay daming nangyari sa kwento ng pagkakaibigan namin. Sa loob ng unang 3 taon, doon nagbigkis ang pinagsamahan namin, dahil sa kabila ng milya-milyang layo namin sa isa’t isa…araw-araw naman kaming nagkikita at nag-uusap dahil sa teknolohiya ni Mr. Jobs. Ang daming dumaan na problema sa buhay niya, at lalo na sa buhay ko, at sa loob ng 3 taon na yun, kami ang naging magkaramay, nagpuno sa kalungkutan ng bawat isa, at nagpatawa sa isa’t isa sa panahon na maaraw ang buhay buhay. Siya din ang nagturo sa akin ng mga bagay-bagay ukol sa kung paano mamuhay dito sa Hilagang Amerika.

Hindi kasi ganun kadali pala ang mamuhay dito, simula nang lumipad kami dito, hindi nabuo ang pamilya namin, bagkus ay nasira pa yata. Ang bebest friend ko ang naging sandalan ko, tagapayo ko, at sa maraming pagkakataon ay pinagkukuhanan ko din ng lakas ng loob. Subalit isang araw, makalipas ang mahigit 3 taon, bigla siyang nagsabing kailangan na niya ng ibang buhay…ang buhay na may katuwang sa lahat ng oras. Masaya ako sa ibinalita niyang ito, pero kaakibat din nun ay ang lungkot sa paniniwalang hindi ko na siya makakausap araw-araw…mawawala na ang taong sa palagay ko nang mga panahong iyon, ay hindi ako mabubuhay kung wala siya. Hindi ko kasi inasahan na ganun kabilis ang mga pangyayari, ilang buwan niya pa lang nakikilala kasi, at ayun na nga…nagpakasal sila. Hindi din ako invited kasi biglaan ang kasal…okay lang naman sa akin kahit hindi, ang importante kasi sa akin ay masaya siya at hindi na siya mag-iisa. Dito ko na-realize na unconditional love pala lahat ng meron kami…sa lahat lahat ng pinag-daanan namin, mas malimit siya ang umiintindi sa akin, andun lagi ang unconditional love niya…ngayon ay panahon ko naman para ako ang magparamdam sa kanya nito.

Nagdaan ang mga araw, hanggang sa umabot ng 2 taon pa, hindi na kami madalas magkita, pero halos araw araw naman ay magka-text kami…text na batian lang, kwento ng konti tapos wala na…tapos na. Sa ganitong set-up, hindi ko naiwasan ang malungkot. Nakakapagdamdam, pero dapat masaya ako. Hinahayaan kong ganito dahil alam kong iba na buhay niya,…mas busy na siya sa buhay may asawa. Sa totoo lang, masaya naman ako…ayun nga lang, ang damdamin pala minsan ay hindi mapipigilan ng iniisip lang natin. Na-depressed ako, na-heartbroken dahil sa parang nawalan ako ng isang mahalagang tao sa buhay ko. Sa sobrang ka-emohan ko, si PJ ay umaksyon na…ayun, tinapos niya ang aking kadramahan isang araw ng bagong taon noong 2013. Habang natutulog ako, bigla akong nag-seizure, dinagdagan pa ng isang karamdaman. Dito ko naisip na hindi ko dapat idinidepende ang buhay ko sa isang tao, marapat ay kay PJ lang, dahil sa mga pagkakataong di natin inaasahan…iiwan nila tayo, pero si PJ, hindi. Sa oras na hayaan natin ang taong mahal natin na maging masaya, ito ay isang bagay na masasabi nating kalugod-lugod sa ating Lumalang.

Sa ngayon, magkaibigan pa din kami…pero dahil pinipili ko nang mag-move on sa buhay…sinabi ko kay PJ na willing na akong I-give up siya…kasi natapos na ang papel niya sa buhay ko. BFF pa din kami, at darating pa din ako kapag kailangan niya ako, yun nga lang, mas kailangan ko nang I-focus ang isip at puso ko sa buhay na hinaharap ko. Sobrang pasasalamat ko sa pagdating niya at pag-alis ng ganun ganun, dahil natuto akong magmahal ng walang binabatayang pamantayan…

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

2 Responses to September 4 OwEyt

  1. doroastig ay nagsabing:

    Your blog has a special place in here

  2. 25pesocupnoodles ay nagsabing:

    🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: