Social Media

Ang mga susunod na mga pangungusap ay bunga lang ng aking nababasa,nararanasan, o di kaya naman’y nakikita sa loob ng mundo ng “social media”. Siyempre, eto na ang era ngayon, lahat yata merong FB, twitter, instagram, LinkedIn; kahit sino pwede mo nang sundan o I-follow….ito ang panahon na ang pagiging “stalker” ay napakadali na lamang.

    • Kung nakakabwisit na, I-unfollow o I-unfriend mo na.
    • Kung walang masabing maganda, may “block” button naman o kaya “Report as Spam”

  • Kung gusto mong maging updated sa kanyan, “follow” button lang ang katapat niyan.
  • Kung walang update ang account niya, paniguradong maraming update kapag I-search mo na lang ang pangalan niya o hashtag niya.
  • Kung gusto mong mas-updated sa kanya, I-follow mo na din ang kaibigan, kapamilya o di kaya’y mga katrabaho niya…pasasaan ba at may mga update sila na nandun siya.
  • Kung gusto mong maki-trending, aba’y mag-tweet, o mag-post ng larawan at lagyan ng “trending hashtags”.
  • Kung gusto mong magpapansin, I-tag mo lang siya nang I-tag, I-mention sa lahat ng post, at magpa-cute gamit ang mga kakesohang linya mo.
  • Kung hindi mo masabi ng personal, idaan mo sa tweet, o mag-mensahe ka sa peysbuk, o di kaya naman ay gumamit ng larawang may mensahe at ilagay sa instagram sabay tag sa kanya.
  • Kung pangarap mong maging manunulat, magbukas ka ng blog, gumawa ng fanfic, o di kaya’y sumulat ng mga artikulo at I-post ito sa social media accounts mo, o di kaya naman ay sa mga forums na kinabibilangan mo.
  • Kung uso ang selfie ngayon, aba’y yayain mo na mga kaibigan, kapamilya, kapuso, o kapatid mo, mag-pose sa harap ng smartphone camera kumuha ng larawan.
  • Kung ayaw mong pinakikialaman ka, mag-quit ka na at isara mo nga lahat ng social media accounts mo…hindi uso sa mundong ito ang walang nang-uusisa sa buhay ng may buhay.
  • Ang social media ay mundo kung saan ang mga kaibigan mo dito ay pampadami lang ng “friend” o “followers” mo, sa totoong buhay, di naman kayo mga “close” (ilan lang talaga tunay na malapit mong kaibigan).

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: