Untitled Feelings

Hindi ko mailarawan kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Siguro, bunga ito ng iniisip ko na “nagbabagong buhay” na ako. Nagbabagong buhay nga ba sa alin? Sa wari ngayon, bumabalik lang ang dati kong sarili…nakakapagsulat na naman nga ako sa bahay kong ito oh.

Mangyari, sabi ko nga sa isang akda ko nung isang araw, kailangan ko nang mag-move on. Kasi nawala na ang dating sigla ng pakikipagtalastasan ko sa aking best friend. Siyempre, hindi ganun kadali para sa akin ang matanggap ng tuluyan na hindi na kami nakakapag-usap madalas. Umaaligid kasi ang feeling na “left out” ka na…hindi ko din naman masisi yung tao kasi ang buhay pamilya ang prayoridad. Pero sana lang, sa mga taong nag-aasawa, hindi niyo nakakalimutan ang mga best friend niyo lalo pa kung may “pact” kayo.

Sana lang…sana naalala niya na best friend pa din turing ko sa kanya….

Kadramahan na naman ito…wala kasi ako mapagsabihan kaya dito na naman ako naglalabas ng sama ng loob. Sabi ko nga sa tweet ko nung isang araw…

Kakausapin ko na lang ulit ang sarili ko…pagod na kasi ako at wala na akong pambili ng atensiyon mo.

Uulitin ko, tanggap ko naman ang lahat ng mga pagbabago, sana lang talaga, naisip naman niya na minsan sa isang taon, sana maisip niyang tawagan ako. Iba pa din kasi ang tawag…yung nakakausap mo siya…yung minsan sa isang taon, may mahaba-haba kayong kwentuhan at hindi sa 160 characters text lang. Katulad na lang noong kaarawan ko, 2 kaarawan ko na ang nagdadaan na hindi man lang niya ako tinawagan…hindi ko tuloy maiiwasang isipin na simula noong nag-asawa siya, nakalimutan na din niya ang naging bigkis ng pagkakaibigan namin – yun ay ang “constant communication”.

Pero marahil, siguro nga napaka-demanding ko lang na tao. Pero ano magagawa ko, eto ang nararamdaman ko…nagdadamdam ang puso kong makeso at maarte.

Minsan kasi, pakiramdam ko talaga…ako na lang nag-eeffort na makausap siya, kung hindi ako tatawag, hindi na niya ako kakausapin. Kinalimutan na ba niya ako? Hirap kasi kapag hindi kayo magkapitbahay. Kaya lang, pag-nagtext na yun, parang nagi-guilty naman ako sa mga iniisip at nararamdaman ko…minsan nga kasi, our feelings lie.

Sana mabasa niya ito…sana din hindi…baka kasi isipin naman niya hindi ko na siya iniintindi, na sarili ko lang iniisip ko. Marahil…sobrang nami-miss ko lang siya…at hinahanap ko yung pagiging magiliw niya kapag kakausapin ko siya.

Ayoko sanang masayang ang pinagsamahan namin, ngunit sa isa pang pagkakataon, sasabihin ko ulit na kailangan ko na talagang matutong mabuhay nang wala siya sa sirkulasyon ko. 😦

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

One Response to Untitled Feelings

  1. 25pesocupnoodles ay nagsabing:

    😦

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: