PSD

PSD – Protein-S Deficiency

Kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo…ako pa talaga ang isa sa mapalad na napagpa-unlakan para magtamo ng ganitong kalagayan. Isa kasi itong kondisyon ng kalusugan kung saan ang dugo ay kulang sa elementong tinatawag na “protein-s”. Ang “protein-s” ay ang nagsisilbing taga-balanse upang hindi tuluyang mamuo o mag-coagulate ang ating dugo. Sa pagkakataong mawala ito o magkulang ito, maaaring magkaroon tayo ng internal blood clotting na siyang peligro sa normal na daloy ng dugo sa ating mga ugat.

At puro dugo talaga ang sinasabi ko.

Mangyari kasi ganito yun, isang taon na ang nakakaraan, sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng pagsakit ng likod. Ito yung sakit na hindi ko maihiga ang katawan ko at kailangan kong matulog nang nakaupo. Ilang tube na ng A535 (pain killer cream) ang naubos ko, at naka ilang tabletas na din ako ng Advil at Tylenol, hindi pa din mawala ang naturang sakit. Sa aking pakiramdam noon, ito ay animong may sumasaksak (literally speaking) sa akin sa likod! Dalawang beses akong nagpunta sa ER ng ospital dito sa Winterpeg, matapos ang halos tig-10 oras na paghihintay sa 2 pagkakataong nasa ER ako, wala akong napala kundi ang painomin ako ng mas mataas na dose ng Tylenol at pinayuhang magpahinga. Umasa naman ako na makakatulong ang payong ito ng doktor sa akin.

Matapos ang ilang araw pa, ang sakit ng likod ko ay hindi humupa, bagkus ay lalo pang umigting. Hirap rin akong makahinga dahil sa tuwing gagawin ko ito, parang may sumasaksak lalo sa aking likod at tagiliran. Hindi ako makatiis at nagtungo ako muli sa ospital; sa pagkakataong ito sa sa ibang ospital naman. Sa awa ni PJ, mga 3-4 oras lang kaming naghintay sa ER. Nung dumating ang oras na ako’y sinusuri na ng doktor at mga nurses, isinailalim nila ako sa iba’t ibang test kagaya ng EKG, blood work, chest x-ray at chest CT-scan. Matapos ang mga ito, at matapos na gawing dart target ang mga braso ko sa dami ng karayom na itinusok, nagkaroon sila ng mas makabuluhang findings…may blood clot daw ang aking baga o lungs.

Hindi ako makapaniwala, sabi ng doktor, kailangan ko ng immediate treatment at sa ospital muna ako magpapahinga…in short, naging bakasyunan ko ang ospital sa loob ng 6 na araw. Mabuti na lang at libre ang healthcare dito, kahit masakit sa katawan ang tusukin ka araw araw ng karayom para sa bloodwork, hindi naman sumakit ang bulsa ko.

Sa loob ng ilang araw na iyon sa ospital, pilit na hinahanap ng mga doktor kung ano ang sanhi ng blood clot ko sa lungs. Tatlong araw din akong naka-morphine para di ko muna maramdaman ang sakit ng likod ko, hanggang sa humupa ito papunta sa “tolerable” level. Walang makita mga doktor, hindi nila ma-conclude na ang Pulmonary Embolism (PE) ko (eto nga pala yung medical term sa blood clot sa lungs) ay galing sa clotting ng dugo sa binti dahil walang ebidensya, hindi din daw dahil may “auto-immune disease” ako na pwedeng mag cause ng PE dahil nag-negative yung test. Sa huli ay sumailalim ako sa MRI para makita kung may kaugnayan ba ito sa naging seizure ko 2 buwan na ang nakaraan. Subalit sa huling resulta…negatibo lahat, kung kaya’t nanatiling misteryo ang pagkakaroon ko ng PE.

Sumangguni ako sa isang blood specialist o ang tinatawag na hematologist. Matapos ang 2 round ng blood work kung saan mahigit 10 tube ng blood samples ang kinuha sa akin (na ikinahilo ko talaga pagkatapos), lumabas sa findings na may “protein-S deficiency” daw ako! Alas! At ang swerte ko naman talaga dahit ito daw ay genetic condition! Bingo!

Ngayon, kailangan ko daw suportahan ang sarili ko ng warfarin o “blood thinner” para maiwasan ang pagkakaroon ulit ng PE. Kung hindi daw kasi, maaring ikamatay ko daw ang PE kung hindi malulunasan agad-agad. Napakapalad ko pa din naman, sa kabila nito, buhay pa din ako dahil ito ang gusto ni PJ.🙂 Sa kabilang banda, kailangan ko nang bawasan ang pagkain ng mga berde at madahong gulay gaya ng spinach, okra, broccoli, etc…kasi makakabawas daw siya sa bias ng gamot.

Totoo ngang lahat ng sobra ay hindi maganda. Katulad ng gulay na sinabi ko, kapag sobra, masama sa mga may genes na pasaway…

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: