Q-L-C

Q-L-C

Parang Quezon City lang ang ibig sabihin…pero ang ibig sabihin ng mga letrang yan ay ang “Quarter-Life Crisis”. Oo, hindi ka nagkamali ng basa….QLC nga talagašŸ˜¦ Maaring nagtataka ka bakit na naman ba? Ano na naman ka-dramahan yan Mousmous???

Sabi ni Mous…hindi niya maipaliwanag na naman ang sarili niya…depression yata ito…pero ayokong isipin na ganun, dahil hindi naman ganun ka-grabe ang nararamdaman ko. Eto yung mga panahong bigla na lang akong nakakadama ng matinding kalungkutan…yung tipong bigla na lang bumabagsak ang mga luha mo? Ito yung pakiramdam na parang nawawala ka sa kawalan…Salamat na lang at sa panahon ngayon ng “digital age”, meron nang alterntatibong paraan para mailabas ang nararamdaman gaya ng pagsusulat sa mga bulog.

Nakakapagod na din mag-isip kung saan ba nanggagaling ang lungkot na ito…siguro dahil magtataglagas na naman, at kasunod nito ay tag-yelo na naman. Sa tuwi-tuwina na lang, hindi dumadaan ang isang taon na wala akong episode na ganito. Datapwat iba na ang sitwasyon ngayon dahil tila naka-move on na naman ako sa isang matinding pagkabigo.

Sa mga nakalipas na buwan, naging matiwasay naman ang pamumuhay ko. Masaya ang pakiramdam, enjoy sa mga hobbies ko,Ā na-enjoy ang pamamasyal, at na-enjoy ko din ang aking trabaho. Marahil kaya dahil may kulang pa sa buhay ko kaya laging may ganito? Nananalangin naman ako kay PJ na sana, ibigay na niya sa aking si Uno; sa tingin ko kasi I’m so uninspired kaya lagi naĀ lang sumasagi ang QLC sa akin. YungĀ dati ko kasing inspirasyon ay tuluyan ko nang binitawan…wala na kasing pag-asa dun. Sana dumating na ang taong magiging inspirasyon ko forever;Ā para hindi na ako lagingĀ “feeling empty”.

Ngayon ko lang napagtanto na may drawback din pala ang pag-move on…o baka kasi akala ko lang naka-move on na ako, pero hindi pa talaga. Pagkatapos ma-trauma ng puso kong tuod sa isang pagmamahal na hindi para sa akin, ayan…parang hirap na niyang makita ang taong pwede pang magpasaya sa kanya ng tunay. Yung taong hindi siya iiwan at aalagaan lang ang pagmamahal na ibinibigay niya. Ang daling sabihin na “be strong and move on”…pero hindi lahat, kayang gawin ito ng madalian o mabilisan. Darating at darating ang pagkakataon na ang mga dating alaala ay babalik muli at magbibigay kirot. Sasapit ang mga sandaling, kahit maraming iba na nasa harap mo na, parang kusang umuurong ang isang paa mo at sinasabi sa iyong “Sandali lang, mag-isip ka muna…” Pero ano pa ba pag-iisipan ko kung nakikipagkaibigan lang naman sila…malay nga natin, baka dun magsimulang mabuksan ang aking puso at makita si The One.

Hay…ay ang hirap naman…sana mawala na yung takot sa puso ko na masaktan na naman…sana matutunan ko na din maging handa…sabi nga ni Isabel, kapag nagmamahal daw ang tao, dapat ay handa din itong masaktan…šŸ˜¦

Ā 

Ā 

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: