PSD

PSD – Protein-S Deficiency

Kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo…ako pa talaga ang isa sa mapalad na napagpa-unlakan para magtamo ng ganitong kalagayan. Isa kasi itong kondisyon ng kalusugan kung saan ang dugo ay kulang sa elementong tinatawag na “protein-s”. Ang “protein-s” ay ang nagsisilbing taga-balanse upang hindi tuluyang mamuo o mag-coagulate ang ating dugo. Sa pagkakataong mawala ito o magkulang ito, maaaring magkaroon tayo ng internal blood clotting na siyang peligro sa normal na daloy ng dugo sa ating mga ugat.

At puro dugo talaga ang sinasabi ko.

Read more of this post

Advertisements

September 4 OwEyt

September 4, 2008

Yan ang araw kung kalian nagsimula akong maniwala na ang totoong pagmamahal ay walang pinipili. Hindi ko pa alam noon na naniniwala na ako, pero totoo palang mayroong unconditional love na masasabi. Kapag kasi pinag-uusapan na ang “love”, ang daming ibig sabihin, ang daming opinyon, at sari-sari ang karanasan dito ng bawat kasali sa usapan. Pero sa dinami-dami ng ibig sabihin ng “love”, dalawa pala ang kahulugan nito sa wikang Filipino/Tagalog.

Ayon kay Tito Frank (hindi ko siya kamag-anak, tatay lang siya ng bespren ko dito), ang “love” daw ay may dalawang klase…ito yung “pag-ibig” at “pagmamahal”. Kapag sinabing “pagmamahal”, ang ibig sabihin daw nito ay ang love or pagmamahal natin para sa kahit kanino; katulad ng pagmamahal sa magulang, kapatid, kaibigan, o sa kapwa tao. Ngunit kung ang pinag-uusapan na daw ay “pag-ibig”, ito na yung love or pagmamahal sa isang “iniirog” o “sinisinta”. Ang lalim di ba?! Akala ko hindi ko mage-gets ito! Pero may punto si Tito Frank, at iba nga ang konteksto ng “pag-ibig” sa “pagmamahal.”

***

Read more of this post

“Shall We Dance?”

Noong nasa elementarya pa lamang ako, nagtanong ang aming guro sa Ingles sa mga kalalakihan kung ano ang tamang pagsasabi kapag may gusto kang isayaw na babae. Ang mayorya ng sagot ay “May I dance with you?” o di kaya naman ay “May I have this dance?” o “Can I dance with you?”

Sa kabila ng mga pangkaraniwang sagot, naibulalas ni Guro ang mga sarkastikong tugon sakaling mamilosopo ang babaeng inayang sumayaw, katulad ng mga sumusunod:

T: “May I dance with you?”
S: “Wala namang pumipigil sa iyo na isayaw ako. Bakit ka ba nagpapaalam?”
Read more of this post

Pinoy TV Ads Tagline

Kagabi ay nanonood ako ng ASAP live streaming at siyempre, dahil naka-hookup yun sa free channel sa Pinas, eh pati mga TV ads ay napapanood din namin. Nakaka-miss talaga ang Pinoy sa larangan ng TV advertisements, madaming gimmick at ang ilan sa mga punchline ay talagang tumatatak sa isip…. gaya ng ilan sa mga sumusunod:

AVON:

Bakit ka pa maga-abroad kung may asenso naman dito sa Avon.

LACTUM:

Ikaw, kapanatag ka na ba?

– Claudine, Jodi & Carmina

Read more of this post

Alaala ng Maynila

old manila effect

Sa tuwing pinagmamasdan ko ang larawang ito na nakunan ko habang naglalakad sa dati kong tambayan, sumasagi sa aking alaala ang naging buhay estudyante ko noon. Nakaka-miss kasi ang napakaingay na paligid, ang kwek-kwek at tukneneng naglipana sa gilid ng pader. Siyempre pati ang kikiam, ang sago at gulaman, pati ang McDo na naging tambayan ko din nung bago pa lamang ako nagkokolehiyo. Na-miss ko din ang Jollibee sa may Lyceum na ngayon pala ay naglaho na din.

Siyempre, hindi ko din makakalimutan ang napakalaking orasan sa itaas ng Manila City Hall. Animo’y “Big Ben” ng Pilipinas, pero wag ka, late yung oras niyan. Minsan nga iniisip ko, bakit ba hindi tumugma sa Philippine Standard Time yung oras nito, ang dami daming walang relo lalo na ako…umaasa lang ako sa pasulyap sulyap sa orasan ng katabi ko sa jeep noon.

Hay ano ba….hanggang larawan na lang ang aking makikita sa ngayon…totoong there’s no place like Manila…

Tutawsan-enayn

Iniisip ko na mukhang ako ang pinakamalungkot ngayong bagong taon, pero bakit nga ba hindi? Maraming tao dyan ang nagdiriwang mag-isa ng Pasko at Bagong Taon. Sa kabilang banda naman ay eto ako at kasama ko ang aking pamilya. Hindi ko din maunawaan, marahil ay dahilan sa lahat ng nasa paligid ko ay bago, kala mo ay taon lang ang nagbago….hindi….lahat ay nagbago sa buhay ko.

Simula ng dumating ako sa lugar ng kalamigan, di ko maipaliwanag kung natuwa ba ako o nalungkot. Read more of this post

Para Aking Mga Kaboks (Senti muna bago mag-2008)

Hindi ko makakalimutan ang taong 2007, ito kasi ang taon kung kailan ako’y naging isang Adik! OO tama kayo, ako’y naging adik ngayong 2007 lamang. Baka kasi akala niyo ay matagal na, di daw kasi halatang ngayon lang ako naging adik kay Sarah G. 😆

Hindi ko din maintindihan kung papaano nagsimula ang bisyong ito, maging ang aking kapatid ay nagulat, ngunit natuwa dahil may ka-bisyo na siya 😀 Pero hindi naman ako nagsisi sa mga nangyari sapagkat, dahilan sa kaadikang ito, ako’y nakatagpo ng mga bagong kakilala, na naging kaibigan. Marahil ito ay layunin ni Papa God kung bakit ako nalulong sa ganitong kaadikan 😀 At dahil dito, ako’y thankful sa Kanya. 😀

Read more of this post

%d bloggers like this: