PSD

PSD – Protein-S Deficiency

Kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo…ako pa talaga ang isa sa mapalad na napagpa-unlakan para magtamo ng ganitong kalagayan. Isa kasi itong kondisyon ng kalusugan kung saan ang dugo ay kulang sa elementong tinatawag na “protein-s”. Ang “protein-s” ay ang nagsisilbing taga-balanse upang hindi tuluyang mamuo o mag-coagulate ang ating dugo. Sa pagkakataong mawala ito o magkulang ito, maaaring magkaroon tayo ng internal blood clotting na siyang peligro sa normal na daloy ng dugo sa ating mga ugat.

At puro dugo talaga ang sinasabi ko.

Read more of this post

Advertisements

Safe

Nakikinig ako sa shuffled playlist na nasa iP ko, biglang sumunod ang paborito kong awit na ginawa ni Phil Wickham na may titulong “Safe”.

 
Panoorin este pakinggan pala dito: Safe ni Phil Wickham

The hands that hold the world, are holding your heart…

I feel safe, oo, pakiramdam ko ay ligtas ako, ligtas sa ano mang pagkabagabag. Sa tuwing nandyan ang mga problema, isa lang ang alam kong tatawagan para magpaluwag ng aking loob. Kahit sa paningin ng iba ay mukha na akong sira-ulo, umiiyak, nagsasalitang mag-isa. Eh ano naman ngayon, ganito ako. Isa lang ang nakita kong totoong mapagkukuhanan ng lakas, “widsom” wisdom daw talaga eh, at kapahingahan.

Sa gitna ng karamdaman, kapighatian, o kahit ano mang problema, isa lang ang gumawa ng kamangha-manghang bagay sa buhay ko. Ang sakit na gumaling, mga bagay na akala ko’y panaginip na lang, mga relasyong naituwid, mga pangyayaring akala ko’y imposible, at marami pang iba.

Kung minsan, sadyang matigas lang talaga ang ating mga ulo. Nandyan naman lagi Siya para sumaklolo at maging tagapagpanatag natin, pero kung saan saan pa tayo tumitingin. Minsan, sa mga materyal na bagay, alak, pera, at masama pa ay kung sa droga. Nakakalungkot lang makita ang mga taong nasa ganitong sitwasyon. Kung magbubukas lang tayo ng pinto ng ating mga puso, makikita siguro natin lahat ang kagaanan ng buhay sa kabila ng karalitaan o karangyaan man. Ang tunay na kapanatagan, at kayamanan ay wala sa materyal na bagay. 🙂




Behind the Cloud

Originally uploaded by isla_yelo

Minsan pa, tatanawin ko ang langit, habang nakikinig sa awiting ito. Kay sarap magpahinga, at masarap umawit, lalo na kapag ang puso mo’y panatag.

Black & White Christmas

1…2…3…

Ikatlong Pasko ko na dito sa bansa ng mga iyelo, pero hindi ko pa din maramdaman ang kakaibang sayang nararamdaman ko tulad ng Pasko sa Pilipinas. Ito ang totoong White Christmas…hindi “puti” ang kulay dahil may kalungkutan sa paligid. Ang masaya sanang pagdiriwang dahil kaarawan ni PJ ay nababahiran ng mga pansariling intensiyon. Matapos magsimula ng kaguluhan, sa iyo pa ibabaling ang paninisi kung bakit naging magulo ang sitwasyon?

It was my birthday the other day…nagpapasalamat ako kay Lord dahil lahat ng kailangan ko ay mayroon na ako, maski ang hindi ko kailangan ay ibinibigay. Ngunit kinukulang naman ako ngayon ng tunay na kasiyahan dahil sa mga tao sa paligid ko. Malimit kong naiisip sa mga panahong ito na lumayo na lang at mamuhay ng sa sarili ko. Pero no man is an island ika nga…

Katulad ng kulay ng niyebe, ang Pasko dito ay puti….na sa kabila ay nababalutan ng dilim ng kalungkutan…

Proud Irony

Nuong isang linggo ay nakapagbasa ako ng isang edition ng The Filipino Journal na inilalahatla at ipinamimigay ng libre dito sa Winnipeg. Isa sa nakapukaw ng aking atensyon sa front page nito ay ang mga Pilipinong nabigyan ng estadong “citizen of Canada”. Isa sa mga ipinagmamalaki ng pahayagan ay ang apo ng isang diumano’y heneral na isa sa mga bayaning lumaban noong panahon ng mga Kastila.

Hindi ba nakakatawang isipin na ang mga Pinoy dito, naipagmamalaki pa ang ganitong “achievement” kuno…ang maging Canadian Citizen…na kesyo apo pa siya ng bayani o ng kung sinong sikat sa Pilipinas. Kung ako ang taong iyon, hindi ako magiging proud dahil ang lolo ko ay isa sa mga bayani ng Pilipinas…bayaning nakipaglaban para sa kalayaan ng kanyang lupang sinilangan. Kung aking niyayakap sa ngayon ang pagiging mamamayan ng banyagang lugar, isang malaking sampal ito sa legacy na iniwan ng aking lolo…

Sampalin niyo nga ako kung walang sense ang mga sinasabi ko…kung isa kang tunay na may dugo ng bayaning Pilipino, nawa’y itago na lang sana ang ganitong pangyayari…nakakatawa…Oh I’m the grandson of Gen. XX, a Philippine hero…and now I’m proud to be a Canadian…

Ito ang buhay Canada…abangan ang susunod….

Spring Waves

Heto na naman ako, ilang araw ko din hindi nabisita ang bahay kong ito. Ang weirdo ng pakiramdam ko. Gusto kong umiyak, hindi ko maintindihan kung naho-homesick ba ako o ano? Sa totoo lang miss ko na prends ko.

Kagabi kasi napanaginipan ko si mamavic, di ko alam kung bakit bigla ko siyang napanaginipan. Di ko naman siya iniisip nitong mga nakaraang araw. Nawirdohan lang ako kasi parang may dinaramdam siya sa panaginip ko, kaya nung nagkita kami, niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang totoo ang nangyari, parang nabuhayan siya nung nagkita kami. Naramdaman ko ang higpit ng yakap namin, muli daw kasi kaming nagkita.

Read more of this post

Begging to the Next Level

Eto ang tipo ng high-class beggar dito sa Canada. Kung sa Pinas, bulag na gitarista o di kaya naman eh banda ng mga senior citizen ang makikita mong nagpe-perform sa mga palengke o kaya ay sidewalks, dito naman ay biyolin ang tinutugtog para sa karampot na baryang maipapamahagi ng mga may mga malalambot na pusong mamamayan.

Kunsabagay, magkano nga naman ang barya dito? Sa 3 dolyar, mahigit isang daang piso yata ang katumbas nuon, kung bigyan sila ng ganung halaga, makakapag McDo na sila dito.

*woot*

Pandaigdigang Recession…Ano na kasunod?

Hindi talaga mapigilan ang pagbulusok pababa ng pandaigdigang ekonomiya sa mga panahong ito. Sa araw-araw na nagbubukas ako ng aking computer, tatambad na lang sa aking mga mata ang mga balitang si ganitong kumpanya ay nagbawas ng tao at kung ano ano pa. Ano na ang kasunod pagkatapos nito?

Kahapon lang nakausap ko ang dati kong kasama sa trabaho, at nakumpirma kong ang Intel ay tuluyan nang mawawala sa Pilipinas. Marahil ay hindi matatapos ang taon ay tuluyan nang isasara ang humigit kumulang 30 taong pamamalagi ng factory ng microprocessor at chipset sa Pinas. Malaking kawalan ito, lalo na’t isa sa top exporters ng bansa ang nasabing kumpanya. Kunsabagay, di lang naman sa Pinas, dahil pati sa Malaysia at iba pang bansa ay may isasara rin sila. Humigit kumulang 5000-6000 empleyado nila worldwide ang mababawas na naman.

Read more of this post

%d bloggers like this: