Unlove, Delete, Restart

Kanina ay nagpasiya kami ni Neerz na panoorin ang pelikula ni Papa P at Toni. Kami na lang kasi yata sa lupon ng mga kaibigan namin ang hindi pa nakakapanood…halos pang-4 na linggo na yatang tumatakbo nito sa isang sinehan dito sa Winterpeg. Halo-halo kasi ang mga reviews, may iba na nagsasabing maganda daw, samantalang sabi naman ng iba ay hindi daw ito maganda para sa kanila.

Sa madaling salita…na-curious kami. At dahil araw ng Sabado ngayon, kailangan naming mag “self-care” ni Neez. Bakit naman kasi hindi, isang linggo na kaming puro trabaho at aral, nakakapagod na, kailangang mag-relax naman.

Alas-4 nagsimula ang palabas, bumungad sa amin ang kakatwang mga eksena…at hanggang sa naglaon ay nagpalit ang mood sa mga kadramahan. Nandun din ang mga pamosong batuhan nila ng wagas na linya gaya ng “How do I unlove you?” Parang terminolohiyang pang-computer lamang…unlovedelete…at start…o pwede kong sabihing restart…Sa kabuuan naman…masasabi kong maganda para sa akin ang kwento ng pelikula…hindi kasi nga pangkaraniwan sa pelikula ang katapusan ng kwento ng mga bida, pero kung iisipin ko, maganda ang kwento nina Marco at Ginny kahit hindi sila nagkatuluyan sa huli.

Marami sigurong nakaka-relate sa istorya nila…ngunit maraming nanood na nagnanais pa din ng happy ending kung kaya’t hindi nila nagustuhan ang katapusan nito. Pero sa totoo lang, kung lalaklak nga tayo ng realidad…hindi lahat ng pag-ibig ay may happy ending…hindi lahat ay nabibigyan ng pangalawang pagkakataon. Kung minsan, kahit nagmamahalan pa ang dalawang tao, kailangang ituloy ang buhay kasama ang iba dahil magiging malaki ang “cost” o “damage” kapag ipinagpatuloy nila ito. Hindi lahat ng pagmamahalan ay nagsu-survive dahil iniibig lang ng dalawang tao ang isa’t isa, andyan lagi ang realidad na nagpapakita sa atin na ang buhay, umikot man sa pag-ibig…kailangan pa ring pairalin ang kapakanan ng mga tao sa paligid dahil hindi natin kailangang maging makasarili o di kaya nama’y hindi lang isang tao ang kukumpleto sa kwento ng buhay natin. (ang gulo ko noh?)

———

Read more of this post

Advertisements

Untitled Feelings

Hindi ko mailarawan kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Siguro, bunga ito ng iniisip ko na “nagbabagong buhay” na ako. Nagbabagong buhay nga ba sa alin? Sa wari ngayon, bumabalik lang ang dati kong sarili…nakakapagsulat na naman nga ako sa bahay kong ito oh.

Read more of this post

September 4 OwEyt

September 4, 2008

Yan ang araw kung kalian nagsimula akong maniwala na ang totoong pagmamahal ay walang pinipili. Hindi ko pa alam noon na naniniwala na ako, pero totoo palang mayroong unconditional love na masasabi. Kapag kasi pinag-uusapan na ang “love”, ang daming ibig sabihin, ang daming opinyon, at sari-sari ang karanasan dito ng bawat kasali sa usapan. Pero sa dinami-dami ng ibig sabihin ng “love”, dalawa pala ang kahulugan nito sa wikang Filipino/Tagalog.

Ayon kay Tito Frank (hindi ko siya kamag-anak, tatay lang siya ng bespren ko dito), ang “love” daw ay may dalawang klase…ito yung “pag-ibig” at “pagmamahal”. Kapag sinabing “pagmamahal”, ang ibig sabihin daw nito ay ang love or pagmamahal natin para sa kahit kanino; katulad ng pagmamahal sa magulang, kapatid, kaibigan, o sa kapwa tao. Ngunit kung ang pinag-uusapan na daw ay “pag-ibig”, ito na yung love or pagmamahal sa isang “iniirog” o “sinisinta”. Ang lalim di ba?! Akala ko hindi ko mage-gets ito! Pero may punto si Tito Frank, at iba nga ang konteksto ng “pag-ibig” sa “pagmamahal.”

***

Read more of this post

Minsan Pa

SagwanSa buhay, dumarating tayo sa point na gusto na nating mag-iba ang takbo ng pamumuhay  natin, mag-iba ang mga tao sa paligid, at mag-iba ang mga kasama sa buhay. Ang malimit na balakid nga lang ay ang pamamaraan kung paano natin mababago ang buhay natin. Gusto kong mag-emote ngayon kaya ganito ang paksa ang aking pagsusulat. I feel a little blue, mid-layp crisis na naman siguro. Ganito pala talaga ang umeedad, nagiging maarte sa buhay, nagiging ma-emote, dumadami ang saloobin….feeling ko naman ang tanda ko na eh napagkakamalan nga lang akong 23 yrs old Smile with tongue out

Ayan, habang sumusulat ako ngayon, biglang kumanta si Jessie J ng “price tag”…yo everybody look to the right!….ooopps teka, emote eto eh, hindi ako kakanta ngayon…nag-concert na ako sa magic sing nung isang araw, at sumaydline din ako sa sa kantahan kanina kasama ang ate friend ko. Wala na akong enerhiya para kumanta pa sa bulog na ito…

Forget about the “Price Tag”, balik tayo sa minsan pa ay makabuluhang paksa….

Lablyf

Read more of this post

Mga Kakesohan Lang

Mga kakesohan sa buhay…may nakakaaliw, may nakakatawa, may corny, may nakakairita kung minsan, pero masarap marinig kung sinabi sa iyo ng mahal mo di ba? 😀 naks! kesong keso na naman ang mood ngayon 😀
WARNING: sa mga ayaw ng ka-kornihan, wag na kayong magbasa, at kung mabasa niyo man, wag na kayong magkomento. Gusto ko lang maging keso at corny.

Ingatan mo yang puso mo, andyan ako.
Read more of this post

Ikaw..oo ikaw…

You mean a lot to me more than you thought….

Kay sarap marinig, hindi mo aakalain, kapag may isang taong binitawan ang mga katagang yan para sa iyo. In-love? Hindi noh! Emote lang…:D Nakakapagpangiti, nakakataba ng puso, nakakagaan ng damdamin. Ang sarap ng may nag-aalala sa iyo, parang kumpleto na ang mundo mo kahit may kulang pa. Basta malaman mo lang na nandyan siya para sa iyo at handang umalalay sa tuwing kailangan mo ng sasalo sa iyo. Minsan, totoong hindi mo kailangan ng iniibig para makumpleto ang buhay mo, kundi kailangan mo ng karamay. Ang iniibig kasi, may oras na iniibig mo lang siya, pero hindi mo naman siya makaramay. Pero ang karamay, hindi mo man siya ibigin, nandyan pa din siya. Ngunit lalong nagiging masaya kung siya’y matutunan mong ibigin di ba?

Kaya salamat, at ako’y may karamay. Makeso nga lang at may pagkamaarte, pero ok lang, ang mahalaga ay nandyan lang siya sa lahat ng oras, kahit malayo pa siya. 🙂

Safe

Nakikinig ako sa shuffled playlist na nasa iP ko, biglang sumunod ang paborito kong awit na ginawa ni Phil Wickham na may titulong “Safe”.

 
Panoorin este pakinggan pala dito: Safe ni Phil Wickham

The hands that hold the world, are holding your heart…

I feel safe, oo, pakiramdam ko ay ligtas ako, ligtas sa ano mang pagkabagabag. Sa tuwing nandyan ang mga problema, isa lang ang alam kong tatawagan para magpaluwag ng aking loob. Kahit sa paningin ng iba ay mukha na akong sira-ulo, umiiyak, nagsasalitang mag-isa. Eh ano naman ngayon, ganito ako. Isa lang ang nakita kong totoong mapagkukuhanan ng lakas, “widsom” wisdom daw talaga eh, at kapahingahan.

Sa gitna ng karamdaman, kapighatian, o kahit ano mang problema, isa lang ang gumawa ng kamangha-manghang bagay sa buhay ko. Ang sakit na gumaling, mga bagay na akala ko’y panaginip na lang, mga relasyong naituwid, mga pangyayaring akala ko’y imposible, at marami pang iba.

Kung minsan, sadyang matigas lang talaga ang ating mga ulo. Nandyan naman lagi Siya para sumaklolo at maging tagapagpanatag natin, pero kung saan saan pa tayo tumitingin. Minsan, sa mga materyal na bagay, alak, pera, at masama pa ay kung sa droga. Nakakalungkot lang makita ang mga taong nasa ganitong sitwasyon. Kung magbubukas lang tayo ng pinto ng ating mga puso, makikita siguro natin lahat ang kagaanan ng buhay sa kabila ng karalitaan o karangyaan man. Ang tunay na kapanatagan, at kayamanan ay wala sa materyal na bagay. 🙂




Behind the Cloud

Originally uploaded by isla_yelo

Minsan pa, tatanawin ko ang langit, habang nakikinig sa awiting ito. Kay sarap magpahinga, at masarap umawit, lalo na kapag ang puso mo’y panatag.

%d bloggers like this: