“Shall We Dance?”

Noong nasa elementarya pa lamang ako, nagtanong ang aming guro sa Ingles sa mga kalalakihan kung ano ang tamang pagsasabi kapag may gusto kang isayaw na babae. Ang mayorya ng sagot ay “May I dance with you?” o di kaya naman ay “May I have this dance?” o “Can I dance with you?”

Sa kabila ng mga pangkaraniwang sagot, naibulalas ni Guro ang mga sarkastikong tugon sakaling mamilosopo ang babaeng inayang sumayaw, katulad ng mga sumusunod:

T: “May I dance with you?”
S: “Wala namang pumipigil sa iyo na isayaw ako. Bakit ka ba nagpapaalam?”
Read more of this post

Advertisements

Ikaw..oo ikaw…

You mean a lot to me more than you thought….

Kay sarap marinig, hindi mo aakalain, kapag may isang taong binitawan ang mga katagang yan para sa iyo. In-love? Hindi noh! Emote lang…:D Nakakapagpangiti, nakakataba ng puso, nakakagaan ng damdamin. Ang sarap ng may nag-aalala sa iyo, parang kumpleto na ang mundo mo kahit may kulang pa. Basta malaman mo lang na nandyan siya para sa iyo at handang umalalay sa tuwing kailangan mo ng sasalo sa iyo. Minsan, totoong hindi mo kailangan ng iniibig para makumpleto ang buhay mo, kundi kailangan mo ng karamay. Ang iniibig kasi, may oras na iniibig mo lang siya, pero hindi mo naman siya makaramay. Pero ang karamay, hindi mo man siya ibigin, nandyan pa din siya. Ngunit lalong nagiging masaya kung siya’y matutunan mong ibigin di ba?

Kaya salamat, at ako’y may karamay. Makeso nga lang at may pagkamaarte, pero ok lang, ang mahalaga ay nandyan lang siya sa lahat ng oras, kahit malayo pa siya. 🙂

Hindi Makatulog

Ika 2:34 na ng madaling araw…anong petsa na? Hindi pa din ako natutulog. Bukas ay Linggo, eh ano naman ngayon kung hindi ako matulog?

Hoy mousmous, magsisimba ka bukas ng umaga! Alangan namang pupungas-pungas ka habang nasa church service…tsktsk.

Ang daming bumabagabag? Hindi pala, madami lang masyadong nakakapukaw ng aking atensyon. Tinapos ko ang pag-aayos ng kabilang bahay ko. Totally overhauled, ang mga di angkop at walang saysay na tala ay aking tinanggal…hanggang sa nag-tweet si prend, ayan, umuwi na daw siya habang ako ay abala sa aking bulog.

Sigurado akong tumaas ang kilay niya dahil wala akong email update sa kanya buong maghapon. Oh well, sorry kasi ako’y abala maghapon 🙂 (ang taray).

Nga pala, ilang araw na lang ay exam ko na para sa sertipikasyon na yan. Hindi ko sigurado kung makakapasa ba ako dahil ang konti pa lang ng nababasa ko. Sadyang nakakaumay ang magbasa ng academic subjects…mabuti pa ang mga bulog, mas interesting basahin.

Wala lang…nagkwento lang ako bago ko patulugin ang sarili ko….

Bakit daw nakakapagpasaya ang SAGING?

Kahapon nakikinig ako sa Good Morning Philippines nina Donna at Chester nang napunta ang usapan nila sa mga prutas. Sabi ni Donna, etong saging daw ay nakakapagpasaya…siyempre nagtanong si Chester kung bakit?

Donna: Eh may nakita ka bang unggoy na malungkot???

Read more of this post

Another Day in the Jobless World…Ano na kasunod?

Ayan, matapos kong lumabas sa ospital, eto at kumekembot na ulit sa blog…ano pa nga ba? Nakaka-bore dito sa bahay…walang magawa, wala ka namang trabaho dito….

Isang araw na naman na walang trabaho, namnamin dahil kapag balik opisina na eh ayan na naman ang isang tambak na gagawin (parang may ginagawa daw ako hehe)….pano na kaya kung tuluyan na akong mawalan ng trabaho?

Noong Miyerkules, tinawagan ko si Ma.Lui para makisuyong ikuha ako ng Philhealth Claim Form para naman wala na akong bayaran sa hospital bill ko….nang naibulalas niya ang isang inaasahang balita na matagal nang bulong-bulungan sa opisina…..at yeS! yun at totoo nga! magsasara na ang kumpanya namin! Wahahaha!

Ano ba?! Baliw ba ako? Parang sobrang saya ko pa…ang totoo…wala lang, masaya ako kasi di naman ako affected, kasi malapit na din akong mag-resign, pero nakakalungkot para sa mahigit 3000 pang empleyado…pano na ung mga may edad na…mabuti na lang at maganda daw ang separation package na ino-offer…hmmm….iniisip ko tuloy kung magre-resign ako o hintayin ko na lang yung offer…hehe…pero kahit malaki pa ang separation package na ibigay, di naman panghabangbuhay na maisasantabi mo iyun…bagkus, ito’y mauubos at mawawala ng tuluyan…pagkatapos…ano na kasunod? Eh wala ka ngang trabaho di ba? Kung nasa retiring age ka na, pwede kang magnegosyo, pero sa estado ng Pilipinas ngayon, napakahirap magnegosyo kaya…ewan ko lang din, bigyan niyo nga ako ng ideya para makapag-negosyo na lang din…hmmm

Read more of this post

PETIKSOLOGY

PETIKSOLOGY, hinango mula sa salitang petiks, na ayon sa Disksyonaryo 201 ni Mousmous ay siyang katawagan sa mga oras na akala mo ay may ginagawa ka pero wala talaga; tawag din sa oras na sadyang binabagalan ang trabaho para makumpleto ang buong walong oras na may ginagawa.

Sabi ni DMS, ang mga salitang nagtatapos daw sa suffix na “-OLOGY” ay nagsasaad ng pag-aaral ng isang bagay. Kaya kung ang salitang PETIKS ay dudugtungan din natin ng suffix na “ology”, ito ay magiging pag-aaral ng ka-petikshan! (tama ba?) Di ako ang nakaisip ng terminolohiyang iyan, bunga lang yan ng kinabilangan kong usapang baliw na nangyari kamakailan.

Naisip kong may puntos naman ang pagbuo ng salitang “PETIKSOLOGY”. Kung gagamitin ko ang terminolohiyang ito, pwede ko nang bansagan na ang mga taong gobyerno ay nagtapos ng kursong ito. Di lang mga taong gobyerno, pati ang karamihan sa mga nagtatrabaho dyan. (Ehem! Wag na kayo magmaang-maangan pa huh!).

Kung sa oras ng trabaho ay nabasa mo ito, isa ka sa nagtapos ng kursong ito siguro…oh aangal ka ba?

Kung naging totoong kurso man ito, ano kayang trabaho ang tatanggap sa mga nagtapos nito? Teka, paano naman ang application nito sa mga estudyante pa lang?

Yung mga ayaw mag-aral ng matino, kumukuha yun ng double-degree. Ka-double ng kurso talaga nila etong kursong ito. Kung may BS Chemical Engineering and Chemistry na double degree, pwede ding magkaroon ng BS Commerce and Petiksology. Yan, swak na swak talaga sa mga taong gobyerno haha.

Ipagpaumanhin ng mga tinatamaan, naging connotation na kasi ang ka-petikshan ng mga nabanggit na workforce. Maging ako’y saksi sa ganyang sistema dito sa Pilipinas, Lunes na Lunes, wala nang opisina ang assessor’s office matapos ang pananghalian, hindi naman holiday, nag-holiday lang ang assessor. Oh well oh well. Isang halimbawa lang naman yan, bato bato from heaven, ang tamaan humingi ng band aid.

Obviously…..Petiks din ako! haha! 😆

Mga Maling Sagot sa Maayos na Tanong

Sa kabila ng kabi-kabilang anti-Arroyo rally, ng kabi-kabilang corruption, kabi-kabilang kalamidad, kabi-kabilang eskandalong kinasasangkutan ng mga artista…ang saya pa din maging isang Pinoy! Kanina ay nag-text si Tere, inaasahan kong ang kanyang mensahe ay maglalaman na naman ng mga kakaibang banat, at hindi ako nagkamali. Kung tutuusin, may kabuluhan naman ang sinabi sa text, narito at pagmuni-munihan kung bakit nga ba mali ang mga sagot, pero dahil Pinoy tayo, ito ang ating nakasanayan na…

Ang sayang maging Pinoy!!! 😆

——-

Q: Kumain ka na?
A: Busog pa ko….

– May sense naman, kung busog ka pa, dahil kumain ka ilang oras na ang nakakaraan, pero wala sa lugar ang sagot dahil ang tanong ay pangkasalukuyan, o sa English, present tense!

Q: Andyan ba nanay mo?
A: Bakit po?

Read more of this post

%d bloggers like this: