Bagong Taon….Bagong Edad…Bagong mga Pangarap

2011 na! Parang kailan lang ay kaka-2010 pa lang ah ^_^…kay bilis ng panahon…magta-3 taon na din pala ako dito sa bansa ng mga polar bears….mag-2 taon na ang bebe kong may gasgas…at isang taon ang isa ko pang bebeng panglibangan…at higit sa lahat…umedad na naman ako ng isa pang taon kung saan malapit na akong gumradweyt sa kalendaryo pala…oh no!….hmmm…kaya siguro palagi nang may sumasakit sa katawan ko huhuhu….

Subalit hindi na bale, ang masaya nito…tapos na ang waldasan ng pera dahil tapos na ang holidays 🙂 Kahit anong tipid ko, wala pa din…nagasgas na ang mga credit cards at debit card ko, parang ang konti pa din ng naipamigay kong regalo….

Panibagong pag-iipon na naman…panibagong pagpaplano ng buhay…bagong mga pangarap…

Read more of this post

Ang Nagtitipid…

Kanina habang binisita ko ang isang bahay ko dito sa cyberworld, nasulyapan ko ang Multiply site link ng TV commercial director na si Paul Alexie. Isa pala sa pinakabago niyang likha ay ang TV ad ng Pizza Hut.

Isang mag-asawa ang nagtitipid, ang gumawa ng sariling flat panel TV sa kanilang bahay. Naisip ko tuloy na bakit di ko kaya gawin din ito ngayon, tutal wala pa akong TV dito, at pangarap ko din ang magkaroon ng flat panel na ganyang kalaki. 😀

Vodpod videos no longer available.

more about "Welcome to Tabbed Browsing", posted with vodpod

*VIDEO SOURCE:
Basinilio, P. January 27, 2009. Nagtitipid? Retrieved February 5, 2009 from http://paulbasinillo.multiply.com/video/item/73

Nangarap sa Lotto

Sa tinagal ng panahon nang nagsimula ang Lotto sa Pilipinas, ni minsan ay di ko nagawang tumaya nang ako lamang, dahil di ako marunong. Alam kong kelangan mong pumili ng 6 na numero, kaya lang di ko alam paano ang pagtaya…pano ba pipili. Kung bakit kung kelan ako dumating dito sa Canada, tsaka ko naman natutunan ito.

Kasi naman Read more of this post

Bagong CD ni Sarah

Sa lahat ng album ni SG, ito siguro ang the best, JUST ME ang title nito, at ang tema ay iba’t ibang kulay ng pag-ibig. Hindi katulad ng mga nakaraang recordings niya, na halo-halo ang tema mula sa pag-iibigan hanggang pagkakaibigan at encouragement. Kakaiba ang tunog ng mga kanta at animo’y isang foreigner ang kumakanta. Naka-duet nya pa ang pamosong miyembro ng Backstreet Boys na si Howie Dorough, datapwat, di ko sobrang paborito ang inawit nilang dalawa.

Mabuti na lang at may mababait na kaibigan at binigyan ako ng cd, may kasamang autograph ni SG at naiparating sa akin ng maayos. Salamat sa inyong lahat hehe…

😀

JUST ME….REVIEW

MABUHAY!

Mabuhay! Isang taon na pala si mousmous sa mundo ng libangang ito…akalain mo yun, di ko namalayan…

Salamat sa mga napapadaan dito at sa mga bwisit na nambubuwisit mag-comment…kala niyo di ko kayo ma-trace, ingat kayo sa pag-comment ng masama sa blog na ito…hehe

Sa mga private readers nito, alam niyo na ang password…haha wala lang….kembot! haha hanggang sa muling pagbu-bulog…

Ang Kumpirmasyon?

Kamakalawa lang ay naisulat ko dito ang tungkol sa pagsasara ng kumpanya namin ilang buwan na lang mula ngayon. Habang nag-browse ako sa aking Yahoo mail, nahagip ng aking mga mata ang balitang ito…. at ito pa. Marami pang ibang news article kaugnay dito na naglalabasan ngayon.

At dahil nga ako’y nagkasakit, di ko alam kung ano ang announcement talaga, bad trip naman ang connection ko, at ayaw akong i-connect sa private network namin…hmmf. Bukas, malalaman ko na ang totoong lagay ng aking kinabukasan dito.

PETIKSOLOGY

PETIKSOLOGY, hinango mula sa salitang petiks, na ayon sa Disksyonaryo 201 ni Mousmous ay siyang katawagan sa mga oras na akala mo ay may ginagawa ka pero wala talaga; tawag din sa oras na sadyang binabagalan ang trabaho para makumpleto ang buong walong oras na may ginagawa.

Sabi ni DMS, ang mga salitang nagtatapos daw sa suffix na “-OLOGY” ay nagsasaad ng pag-aaral ng isang bagay. Kaya kung ang salitang PETIKS ay dudugtungan din natin ng suffix na “ology”, ito ay magiging pag-aaral ng ka-petikshan! (tama ba?) Di ako ang nakaisip ng terminolohiyang iyan, bunga lang yan ng kinabilangan kong usapang baliw na nangyari kamakailan.

Naisip kong may puntos naman ang pagbuo ng salitang “PETIKSOLOGY”. Kung gagamitin ko ang terminolohiyang ito, pwede ko nang bansagan na ang mga taong gobyerno ay nagtapos ng kursong ito. Di lang mga taong gobyerno, pati ang karamihan sa mga nagtatrabaho dyan. (Ehem! Wag na kayo magmaang-maangan pa huh!).

Kung sa oras ng trabaho ay nabasa mo ito, isa ka sa nagtapos ng kursong ito siguro…oh aangal ka ba?

Kung naging totoong kurso man ito, ano kayang trabaho ang tatanggap sa mga nagtapos nito? Teka, paano naman ang application nito sa mga estudyante pa lang?

Yung mga ayaw mag-aral ng matino, kumukuha yun ng double-degree. Ka-double ng kurso talaga nila etong kursong ito. Kung may BS Chemical Engineering and Chemistry na double degree, pwede ding magkaroon ng BS Commerce and Petiksology. Yan, swak na swak talaga sa mga taong gobyerno haha.

Ipagpaumanhin ng mga tinatamaan, naging connotation na kasi ang ka-petikshan ng mga nabanggit na workforce. Maging ako’y saksi sa ganyang sistema dito sa Pilipinas, Lunes na Lunes, wala nang opisina ang assessor’s office matapos ang pananghalian, hindi naman holiday, nag-holiday lang ang assessor. Oh well oh well. Isang halimbawa lang naman yan, bato bato from heaven, ang tamaan humingi ng band aid.

Obviously…..Petiks din ako! haha! 😆

%d bloggers like this: