Unlove, Delete, Restart

Kanina ay nagpasiya kami ni Neerz na panoorin ang pelikula ni Papa P at Toni. Kami na lang kasi yata sa lupon ng mga kaibigan namin ang hindi pa nakakapanood…halos pang-4 na linggo na yatang tumatakbo nito sa isang sinehan dito sa Winterpeg. Halo-halo kasi ang mga reviews, may iba na nagsasabing maganda daw, samantalang sabi naman ng iba ay hindi daw ito maganda para sa kanila.

Sa madaling salita…na-curious kami. At dahil araw ng Sabado ngayon, kailangan naming mag “self-care” ni Neez. Bakit naman kasi hindi, isang linggo na kaming puro trabaho at aral, nakakapagod na, kailangang mag-relax naman.

Alas-4 nagsimula ang palabas, bumungad sa amin ang kakatwang mga eksena…at hanggang sa naglaon ay nagpalit ang mood sa mga kadramahan. Nandun din ang mga pamosong batuhan nila ng wagas na linya gaya ng “How do I unlove you?” Parang terminolohiyang pang-computer lamang…unlovedelete…at start…o pwede kong sabihing restart…Sa kabuuan naman…masasabi kong maganda para sa akin ang kwento ng pelikula…hindi kasi nga pangkaraniwan sa pelikula ang katapusan ng kwento ng mga bida, pero kung iisipin ko, maganda ang kwento nina Marco at Ginny kahit hindi sila nagkatuluyan sa huli.

Marami sigurong nakaka-relate sa istorya nila…ngunit maraming nanood na nagnanais pa din ng happy ending kung kaya’t hindi nila nagustuhan ang katapusan nito. Pero sa totoo lang, kung lalaklak nga tayo ng realidad…hindi lahat ng pag-ibig ay may happy ending…hindi lahat ay nabibigyan ng pangalawang pagkakataon. Kung minsan, kahit nagmamahalan pa ang dalawang tao, kailangang ituloy ang buhay kasama ang iba dahil magiging malaki ang “cost” o “damage” kapag ipinagpatuloy nila ito. Hindi lahat ng pagmamahalan ay nagsu-survive dahil iniibig lang ng dalawang tao ang isa’t isa, andyan lagi ang realidad na nagpapakita sa atin na ang buhay, umikot man sa pag-ibig…kailangan pa ring pairalin ang kapakanan ng mga tao sa paligid dahil hindi natin kailangang maging makasarili o di kaya nama’y hindi lang isang tao ang kukumpleto sa kwento ng buhay natin. (ang gulo ko noh?)

———

Sabi nila, “first love never dies”….o di kaya naman ay, ang unang pag-ibig (kung minsan ay ang “naunang pag-ibig”) ay maituturing na “one great love”….pero sa maraming pagkakataon, hindi ibig sabihin nito ay siya na ang “true love”. Natutunan daw ang pag-ibig…kaya siguro ito nagiging totoo o “true” dahil sa natutunan siya…at ang “true love”, siyempre pa…ay malimit na siyang ang huling pag-ibig o ang pinakasalan para makasama habang buhay. Subali’t hindi din laging ganito ang sitwasyon…marami din sigurong taong ang nakatuluyan ay hindi nila “true love”…kaya naman sa hiwalayan ang bagsak matapos ang ilang taon.

ONE GREAT LOVE at TRUE LOVE

Ano nga ba ang “ONE GREAT LOVE”? Ito siguro yung taong minahal mo ng sobra-sobra…ang minahal mo nang kapantay ng buhay mo o higit pa. Si OGL ay ang taong palagi mong iniisip ang kapakanan niya…true love mo din sigurong masasabi ang OGL na ito nang mga panahong kayo pa…pero sa kabila ng matinding pag-ibig mo sa kanya, hindi kayo ang pinagbigkis ng tadhana. Unfair kung ganito di ba? May mga pagkakataon kasi na hindi talaga sumasang-ayon ang pagkakataon sa inyo. May mga pagkakataong kapag ang sarili mo ay ipinilit mo kay OGL, maaring kapahamakan ang kahantungan ninyo, o di kaya ay pasakit sa mga tao sa paligid niyo. Pero sa kabila ng pagkakalayo ninyo, itinuturing mo pa rin na siya ay napaka-espesyal na tao sa puso mo. Na kahit andyan ang “true love” mo, mananatiling andyan ang espesyal na pagmamahal mo para kay OGL.

Ang “TRUE LOVE” kasi naman, siya siguro ang taong natutunan mong mahalin…siya ang taong hindi mo na kayang iwan dahil iniibig mo nang makasama siya hanggang sa huli. Siya na ang nagpapatibok ng puso mo bawat araw, na kahit ano pa siya, o sino pa siya, siya na ang iniibig mong makasama, makaniig, at makaramay sa lahat ng pagkakataon. Hindi mo na iisipin pang iwan si TL kahit pa espesyal at minamahal mo pa rin si OGL. Si TL ang nagpapasaya sa iyo dahil siya ang itinagpo pa para sa iyo, kumbaga, siya ang ka-match mo.

Tama si Marco, he could never unlove Ginny, dahil si Ginny ay ang OGL niya. At dahil may TL na siya, he loves her in a different kind of way now, ngunit hindi niya kailanman ide-delete si Ginny sa puso niya.

Ang mga OGL natin ay hindi natin maa-unlove kailanman…dahil umukit sila ng espesyal na marka sa puso natin. Hindi na nga lang natin maibubuhos ang pagmamahal natin na katulad ng dati para sa kanila, pero andun pa din na mahal natin sila. Marahil ay hindi na nga lang pag-ibig ang meron para sa kanila…dahil ang pag-ibig ay para kay TL na. We can never delete them in our lives too…dahil ang OGL ay may malaking bahagi kung bakit ganito na tayo ngayon…kung bakit may version 2.0…3.0…and so on tayo. Sa pagre-restart ng buhay natin, si TL ang pupuno sa kabuuan natin, ang magbibigay ng panibagong kasiyahan at kakuntentohan sa atin.

🙂

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: