PSD

PSD – Protein-S Deficiency

Kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo…ako pa talaga ang isa sa mapalad na napagpa-unlakan para magtamo ng ganitong kalagayan. Isa kasi itong kondisyon ng kalusugan kung saan ang dugo ay kulang sa elementong tinatawag na “protein-s”. Ang “protein-s” ay ang nagsisilbing taga-balanse upang hindi tuluyang mamuo o mag-coagulate ang ating dugo. Sa pagkakataong mawala ito o magkulang ito, maaaring magkaroon tayo ng internal blood clotting na siyang peligro sa normal na daloy ng dugo sa ating mga ugat.

At puro dugo talaga ang sinasabi ko.

Read more of this post

Workaholic

Workaholic….

Yan….ganyan ko I-describe ang sarili ko ngayon. Hindi kasi inaasahan, biglang nagpasiya ang aming kumpanya na mag-reorg at kaakibat nito ay magbawas ng tao. Pero hindi lang basta empleyado ang pinaalis nila…ito ang mga empleyadong may mataas na katungkulan gaya ng bise-presidente ng aming dibisyon. Nakakalungkot man, kailangang mag-move on at tanggapin ang mga pagbabago. Kasabay ng mga pagbabagong ito ay ang pag-downsize ng aming grupo…kung dati ay 3 kaming taga-plano ng mga materyales, ngayon ang 2 na lang kaming sumasalo ng lahat ng trabaho.

Tunay na nakakapanibago… Read more of this post

Black & White Christmas

1…2…3…

Ikatlong Pasko ko na dito sa bansa ng mga iyelo, pero hindi ko pa din maramdaman ang kakaibang sayang nararamdaman ko tulad ng Pasko sa Pilipinas. Ito ang totoong White Christmas…hindi “puti” ang kulay dahil may kalungkutan sa paligid. Ang masaya sanang pagdiriwang dahil kaarawan ni PJ ay nababahiran ng mga pansariling intensiyon. Matapos magsimula ng kaguluhan, sa iyo pa ibabaling ang paninisi kung bakit naging magulo ang sitwasyon?

It was my birthday the other day…nagpapasalamat ako kay Lord dahil lahat ng kailangan ko ay mayroon na ako, maski ang hindi ko kailangan ay ibinibigay. Ngunit kinukulang naman ako ngayon ng tunay na kasiyahan dahil sa mga tao sa paligid ko. Malimit kong naiisip sa mga panahong ito na lumayo na lang at mamuhay ng sa sarili ko. Pero no man is an island ika nga…

Katulad ng kulay ng niyebe, ang Pasko dito ay puti….na sa kabila ay nababalutan ng dilim ng kalungkutan…

Namatay na si Albert!

Habang ako’y nagmumuni-muni kanina at inaalala ang mga kakesohan ko sa Maynila noon, nag-ring ang telepono at isang nakakabiglang balita ang natanggap namin. Si Albert ay namatay na! gash! huhu…kawawa naman…pero ok lang, dahil nung nandun pa kami sa bahay nila, ayaw naman akong pansinin nun.

Si Albert ay ang Read more of this post

Another Day in the Jobless World…Ano na kasunod?

Ayan, matapos kong lumabas sa ospital, eto at kumekembot na ulit sa blog…ano pa nga ba? Nakaka-bore dito sa bahay…walang magawa, wala ka namang trabaho dito….

Isang araw na naman na walang trabaho, namnamin dahil kapag balik opisina na eh ayan na naman ang isang tambak na gagawin (parang may ginagawa daw ako hehe)….pano na kaya kung tuluyan na akong mawalan ng trabaho?

Noong Miyerkules, tinawagan ko si Ma.Lui para makisuyong ikuha ako ng Philhealth Claim Form para naman wala na akong bayaran sa hospital bill ko….nang naibulalas niya ang isang inaasahang balita na matagal nang bulong-bulungan sa opisina…..at yeS! yun at totoo nga! magsasara na ang kumpanya namin! Wahahaha!

Ano ba?! Baliw ba ako? Parang sobrang saya ko pa…ang totoo…wala lang, masaya ako kasi di naman ako affected, kasi malapit na din akong mag-resign, pero nakakalungkot para sa mahigit 3000 pang empleyado…pano na ung mga may edad na…mabuti na lang at maganda daw ang separation package na ino-offer…hmmm….iniisip ko tuloy kung magre-resign ako o hintayin ko na lang yung offer…hehe…pero kahit malaki pa ang separation package na ibigay, di naman panghabangbuhay na maisasantabi mo iyun…bagkus, ito’y mauubos at mawawala ng tuluyan…pagkatapos…ano na kasunod? Eh wala ka ngang trabaho di ba? Kung nasa retiring age ka na, pwede kang magnegosyo, pero sa estado ng Pilipinas ngayon, napakahirap magnegosyo kaya…ewan ko lang din, bigyan niyo nga ako ng ideya para makapag-negosyo na lang din…hmmm

Read more of this post

Makabagong Bersyon ng “Without You” ni Mariah Carey

Kung nanonood ka ng American Idol, meron ding version ito sa Bulgaria, ang Music Idol. At kamakailan lang, isang auditioner ang umawit ng isang nakakapagpabagabag at makabagong bersyon ng “Without You” ni Mariah Carey.

Tandaan, ito ay in ENGLISH ha! 😀

It’s Pure Joy sa Kabila ng Kalungkutan

Masaya ako ngayon, kahit depressed, masaya ako. Ano kaya iyon ano? Ang contradicting ng statement, parang sira ulo ang nagsasalita. Well, masaya lang ako, dahil di ko naman inaasahan, sa mga pagkakataong kailangan ko pala ng taga-lift up eh darating na lang siya, sa di inaasahang pagkakataon at paraan.

I’ve said a few weeks ago na iba ang pakiramdam ko, and that’s it, I was feeling depressed talaga. After some time, it seems my depression is about to subside when another circumstance happened, and I’m sure that it makes me feel sad again. Pero this time, unlike nung naunang wave ng kalungkutan ko, I am trying, or forcing myself to be happy, dahil yun ang kailangan kong gawin sa pagkakataong ito. Ang hirap kasing mag-isa na dalhin mo mga problema mo, pagkatapos, isasama mo pa ang problema ng iba. Kahit ayaw kong intindihin, di naman matanggihan ng sistema ko na huwag isipin at maki-solve sa problema ng iba (yan kasi ang proactive haha).

Read more of this post

%d bloggers like this: