Chasing Pavement

“Should I give up or should I just keep chasing pavement?”

Oh well well, ano nga ba? Ano ba ang pavement? Sa pagkakaalam ko ito ay semento, bato, walang buhay, pader….Ano nga ba ginagawa ko? Bakit nga ba kelangang maghabol ng bato, gaya ng sabi sa kanta na “chasing pavement”?

Read more of this post

ASAP Birthday TV

Kanina ay maaga kaming umuwi ni potz galing ng lingguhang pagsamba. Matapos ang ilang linggong kaabalahan ay sa wakas, nagkaroon ulit kami ng pagkakataong makapanood ng isa sa mga paborito naming palabas tuwing Linggo, ang ASAP siyempre.

Sa umpisa pa lang, tila isang napaka-espesyal at magandang palabas ang inihanda ng staff sa tono pananalita ng mga hosts. Ngunit matapos ang opening number, humigit isa’t kalahating oras na panay tribute sa kaarawan ni Claudine Barretto ang nangyari. Akala ko ay isang special show na ito para lang sa birthday ni Claudine. Naisip namin ni potz tuloy na, iba talaga ang mga paborito ng Kapamilya Network, kundi isang buwang selebrasyon, isang show na selebrasyon. Gaya na lang ng kay Sarah Geronimo, isang buwan birthday celebration ang ibinigay sa kanya, mangyari ay ika-20 kaarawan niya, kasabay ng mga tinatawag na “milestone” projects niya. Subalit, di maiiwasang ito’y punahin ng iba dahilan sa halos iilang tao na lang umiikot ang palabas na ito, aminin man at hindi.

Mabuti na lang at paborito ko pa din si Sarah Geronimo…gusto ko din naman si Claudine, pero nauyam talaga ako sa sunod-sunod na number niya kanina….hayz…

Akala mo tuloy, BIRTHDAY TV itong ASAP eh.

%d bloggers like this: