Bagong Taon….Bagong Edad…Bagong mga Pangarap

2011 na! Parang kailan lang ay kaka-2010 pa lang ah ^_^…kay bilis ng panahon…magta-3 taon na din pala ako dito sa bansa ng mga polar bears….mag-2 taon na ang bebe kong may gasgas…at isang taon ang isa ko pang bebeng panglibangan…at higit sa lahat…umedad na naman ako ng isa pang taon kung saan malapit na akong gumradweyt sa kalendaryo pala…oh no!….hmmm…kaya siguro palagi nang may sumasakit sa katawan ko huhuhu….

Subalit hindi na bale, ang masaya nito…tapos na ang waldasan ng pera dahil tapos na ang holidays 🙂 Kahit anong tipid ko, wala pa din…nagasgas na ang mga credit cards at debit card ko, parang ang konti pa din ng naipamigay kong regalo….

Panibagong pag-iipon na naman…panibagong pagpaplano ng buhay…bagong mga pangarap…

Read more of this post

Advertisements

Latecomer

Dalawang sunod na araw na akong late! Kumusta naman ako?

Ang sarap kasing matulog…etong pampam kong cellphone kasi, nag-aalarm ng 4:30 am, natural hindi ako gigising ng ganung kaaga, kaya SNOOZE mode muna hanggang magising ako…..at sa pagmulat ng aking mga mata ay 6:32 AM na pala kanina….waah!

Ayan, nakakahiya mang aminin, hindi ako nakaligo kanina. Kulang na ang oras para maligo at makapag-blower pa ng buhok. Mabuti na lang hindi ako nagpapawis kagabi, kung hindi patay na. Sa kabilang banda, malamig pa din naman ang panahon kaya siguradong hindi ako maiinitan. Ang hirap magising sa mga panahong ang oras ang nagbago. Bakit naman kasi may Daylight Savings Time pa, kung wala nito eh di tuloy tuloy ang oras…

Nakakapagod Pala Yun!

Ano ba naman etong si Nieerz, nakakapukaw ng atensyon ang kanyang mga posts. Nakakapagod daw ang…

Maging maganda….

Naman…talagang nakakapagod ba? Haha! Bakit nga ba?
Read more of this post

Mga Prinsipyo ng “Tanging Ina”

Kahapon ay mangyaring napanood ko sa ang pelikulang Ang Tanging Ina Nyong Lahat ni Ai-Ai Delas Alas. Masasabi kong sobrang nalibang ako dahilan sa makalokohang pagganap ni Ms. Delas Alas habang inilalarawan niya ang buhay ng isang typical Pinoy. Isa sa mga kinagiliwan ko ay ang mga pamosong prinsipyo at salawiakin niya na ang ilan ay hinango na din sa listahan ng “Mga Bagong Salawikaing Pinoy”. Ilan lamang ang mga sumusunod sa mga naalala ko…

Ang taong nagigipit, sa bumbay kumakapit…

Aanhin ang malapalasyong bahay, kung hindi ka naman duon nakatira…

Read more of this post

Ako’y Nagbabalik

Hello hello mousmous! Ako’y nagbabalik, hehe, pero hindi pa full blown…madami pa akong raket na ginagawa eh…miss ko na itong blog na ito haha…

na-miss ko nang mag-blog, na-miss ko si SG, na-miss ko mga kakesohan, kadramahan at mga kaboks ko dito…musta na kayong lahat?

kung mapadaan kayo dito, i’m fine thank you hehe…

THE BANATXT CHRONICLES 5

Matapos ang matagal na pamamahinga…eto na naman ang mga kembot ng kembot na BANATXT mula sa mga UNLIMITXT ADIK! 😆

Sabi ng puso ko….mahal ko siya…..
Sabi naman ng utak ko….huwag hindi tama….
Ang sabi ko naman…….

……..Oh baka ung atay, bituka, kidney ay gusto ding mag-comment! hmmm

Read more of this post

Makabagong Bersyon ng “Without You” ni Mariah Carey

Kung nanonood ka ng American Idol, meron ding version ito sa Bulgaria, ang Music Idol. At kamakailan lang, isang auditioner ang umawit ng isang nakakapagpabagabag at makabagong bersyon ng “Without You” ni Mariah Carey.

Tandaan, ito ay in ENGLISH ha! 😀

%d bloggers like this: