Unlove, Delete, Restart

Kanina ay nagpasiya kami ni Neerz na panoorin ang pelikula ni Papa P at Toni. Kami na lang kasi yata sa lupon ng mga kaibigan namin ang hindi pa nakakapanood…halos pang-4 na linggo na yatang tumatakbo nito sa isang sinehan dito sa Winterpeg. Halo-halo kasi ang mga reviews, may iba na nagsasabing maganda daw, samantalang sabi naman ng iba ay hindi daw ito maganda para sa kanila.

Sa madaling salita…na-curious kami. At dahil araw ng Sabado ngayon, kailangan naming mag “self-care” ni Neez. Bakit naman kasi hindi, isang linggo na kaming puro trabaho at aral, nakakapagod na, kailangang mag-relax naman.

Alas-4 nagsimula ang palabas, bumungad sa amin ang kakatwang mga eksena…at hanggang sa naglaon ay nagpalit ang mood sa mga kadramahan. Nandun din ang mga pamosong batuhan nila ng wagas na linya gaya ng “How do I unlove you?” Parang terminolohiyang pang-computer lamang…unlovedelete…at start…o pwede kong sabihing restart…Sa kabuuan naman…masasabi kong maganda para sa akin ang kwento ng pelikula…hindi kasi nga pangkaraniwan sa pelikula ang katapusan ng kwento ng mga bida, pero kung iisipin ko, maganda ang kwento nina Marco at Ginny kahit hindi sila nagkatuluyan sa huli.

Marami sigurong nakaka-relate sa istorya nila…ngunit maraming nanood na nagnanais pa din ng happy ending kung kaya’t hindi nila nagustuhan ang katapusan nito. Pero sa totoo lang, kung lalaklak nga tayo ng realidad…hindi lahat ng pag-ibig ay may happy ending…hindi lahat ay nabibigyan ng pangalawang pagkakataon. Kung minsan, kahit nagmamahalan pa ang dalawang tao, kailangang ituloy ang buhay kasama ang iba dahil magiging malaki ang “cost” o “damage” kapag ipinagpatuloy nila ito. Hindi lahat ng pagmamahalan ay nagsu-survive dahil iniibig lang ng dalawang tao ang isa’t isa, andyan lagi ang realidad na nagpapakita sa atin na ang buhay, umikot man sa pag-ibig…kailangan pa ring pairalin ang kapakanan ng mga tao sa paligid dahil hindi natin kailangang maging makasarili o di kaya nama’y hindi lang isang tao ang kukumpleto sa kwento ng buhay natin. (ang gulo ko noh?)

———

Read more of this post

Social Media

Ang mga susunod na mga pangungusap ay bunga lang ng aking nababasa,nararanasan, o di kaya naman’y nakikita sa loob ng mundo ng “social media”. Siyempre, eto na ang era ngayon, lahat yata merong FB, twitter, instagram, LinkedIn; kahit sino pwede mo nang sundan o I-follow….ito ang panahon na ang pagiging “stalker” ay napakadali na lamang.

  • Kung nakakabwisit na, I-unfollow o I-unfriend mo na.
  • Kung walang masabing maganda, may “block” button naman o kaya “Report as Spam”

Read more of this post

Show Off

Excited si Nanay, kasi Enero na…ilang buwan na lang, makakauwi na daw siya ng Pinas. Ilang ulit na din siyang nagbalak este magalsa-balutan at umuwi ng Pilipinas dahilan sa di daw niya ma-take ang tatay ko. Sa tuwi-tuwinang may di sila pinagkaka-unawaan…ayun, bukambibig na niya ang “Uuwi na ako!”

Well, kung ako tatanungin, mas mabuti pa nga siguro na nasa Pinas siya, nang sa gayo’y hindi siya naiinip. Napakadami kasi niyang reklamo dito, unang una na ang mga iyelo sa labas at ang makatanggal pangang lamig. Hindi ko naman siya masisi, pero siya kasi ang unang nag-ambisyong pumunta kami sa lupaing ito. Hindi niya inasahang madaming hirap at sakripisyo ang dadanasin ng isang magsisimula ng panibagong buhay dito. Malayong malayo sa inakala ng karamihan na maginhawa ang lahat ng nagpupunta sa abroad. Malayong malayo sa inasahan niyang maginhawa na agad ang buhay niya pagdating dito.

Read more of this post

Sarah’s Hit Songs

Kung may dapat kinakanta si Sarah Geronimo sa kanyang mga hit concerts, sa palagay ko ay mga sarili niyang recording ang mga ito…Sa ngayon kasi, pansin ko lang na kung ano yung sikat na kanta, yun ang kasama sa repertoire ng concerts niya. Why not, kering keri nga naman niyang i-perform ang mga hollywood at iba pang international music, pero mas maganda sana at mas napapasikat sana kung pinili among sa mga original at revival recordings niya ang mga awiting madidinig sa kanyang mga konsiyerto.

Katulad ng medley na ito mula sa kanyang matagumpay na Record Breaker concert…

Para sa akin, ang gandang pakinggang ng mga bagong areglo ng mga inawit niya. At sa tingin ko din, iyon ang essence ng konsiyerto ng isang mang-aawit, ang ibahagi ang kanyang sariling musika at hindi musika ng iba…

Proud Irony

Nuong isang linggo ay nakapagbasa ako ng isang edition ng The Filipino Journal na inilalahatla at ipinamimigay ng libre dito sa Winnipeg. Isa sa nakapukaw ng aking atensyon sa front page nito ay ang mga Pilipinong nabigyan ng estadong “citizen of Canada”. Isa sa mga ipinagmamalaki ng pahayagan ay ang apo ng isang diumano’y heneral na isa sa mga bayaning lumaban noong panahon ng mga Kastila.

Hindi ba nakakatawang isipin na ang mga Pinoy dito, naipagmamalaki pa ang ganitong “achievement” kuno…ang maging Canadian Citizen…na kesyo apo pa siya ng bayani o ng kung sinong sikat sa Pilipinas. Kung ako ang taong iyon, hindi ako magiging proud dahil ang lolo ko ay isa sa mga bayani ng Pilipinas…bayaning nakipaglaban para sa kalayaan ng kanyang lupang sinilangan. Kung aking niyayakap sa ngayon ang pagiging mamamayan ng banyagang lugar, isang malaking sampal ito sa legacy na iniwan ng aking lolo…

Sampalin niyo nga ako kung walang sense ang mga sinasabi ko…kung isa kang tunay na may dugo ng bayaning Pilipino, nawa’y itago na lang sana ang ganitong pangyayari…nakakatawa…Oh I’m the grandson of Gen. XX, a Philippine hero…and now I’m proud to be a Canadian…

Ito ang buhay Canada…abangan ang susunod….

Pandaigdigang Recession…Ano na kasunod?

Hindi talaga mapigilan ang pagbulusok pababa ng pandaigdigang ekonomiya sa mga panahong ito. Sa araw-araw na nagbubukas ako ng aking computer, tatambad na lang sa aking mga mata ang mga balitang si ganitong kumpanya ay nagbawas ng tao at kung ano ano pa. Ano na ang kasunod pagkatapos nito?

Kahapon lang nakausap ko ang dati kong kasama sa trabaho, at nakumpirma kong ang Intel ay tuluyan nang mawawala sa Pilipinas. Marahil ay hindi matatapos ang taon ay tuluyan nang isasara ang humigit kumulang 30 taong pamamalagi ng factory ng microprocessor at chipset sa Pinas. Malaking kawalan ito, lalo na’t isa sa top exporters ng bansa ang nasabing kumpanya. Kunsabagay, di lang naman sa Pinas, dahil pati sa Malaysia at iba pang bansa ay may isasara rin sila. Humigit kumulang 5000-6000 empleyado nila worldwide ang mababawas na naman.

Read more of this post

Mga Debotong Di Na Natuto

Nagawi ako sa front page ni Mareng Yahoo at nakita ko ang balita ng hindi na bagong riot sa prusisyon tuwing pista ng Nazareno sa Quiapo, Manila. Talagang napakarami pa din na debotong Pinoy ng santong ito, at sa tinagal tagal ng panahon, hanggang sa di mo na mailarawan ang mukha niya dahil sa kaitiman nito, hindi pa din nawawala ang paniniwalang Pinoy na ang pagsamba sa santong ito ang makakapagligtas sa kanila o di kaya’y makakatulong sa kaniya kaniyang problema sa buhay.

Read more of this post

Bagong CD ni Sarah

Sa lahat ng album ni SG, ito siguro ang the best, JUST ME ang title nito, at ang tema ay iba’t ibang kulay ng pag-ibig. Hindi katulad ng mga nakaraang recordings niya, na halo-halo ang tema mula sa pag-iibigan hanggang pagkakaibigan at encouragement. Kakaiba ang tunog ng mga kanta at animo’y isang foreigner ang kumakanta. Naka-duet nya pa ang pamosong miyembro ng Backstreet Boys na si Howie Dorough, datapwat, di ko sobrang paborito ang inawit nilang dalawa.

Mabuti na lang at may mababait na kaibigan at binigyan ako ng cd, may kasamang autograph ni SG at naiparating sa akin ng maayos. Salamat sa inyong lahat hehe…

😀

JUST ME….REVIEW

ASAP Birthday TV

Kanina ay maaga kaming umuwi ni potz galing ng lingguhang pagsamba. Matapos ang ilang linggong kaabalahan ay sa wakas, nagkaroon ulit kami ng pagkakataong makapanood ng isa sa mga paborito naming palabas tuwing Linggo, ang ASAP siyempre.

Sa umpisa pa lang, tila isang napaka-espesyal at magandang palabas ang inihanda ng staff sa tono pananalita ng mga hosts. Ngunit matapos ang opening number, humigit isa’t kalahating oras na panay tribute sa kaarawan ni Claudine Barretto ang nangyari. Akala ko ay isang special show na ito para lang sa birthday ni Claudine. Naisip namin ni potz tuloy na, iba talaga ang mga paborito ng Kapamilya Network, kundi isang buwang selebrasyon, isang show na selebrasyon. Gaya na lang ng kay Sarah Geronimo, isang buwan birthday celebration ang ibinigay sa kanya, mangyari ay ika-20 kaarawan niya, kasabay ng mga tinatawag na “milestone” projects niya. Subalit, di maiiwasang ito’y punahin ng iba dahilan sa halos iilang tao na lang umiikot ang palabas na ito, aminin man at hindi.

Mabuti na lang at paborito ko pa din si Sarah Geronimo…gusto ko din naman si Claudine, pero nauyam talaga ako sa sunod-sunod na number niya kanina….hayz…

Akala mo tuloy, BIRTHDAY TV itong ASAP eh.

TOXIC

Sa mga oras na ito, ako’y nagnanakaw lang ng sandali dahilan sa napaka-TOXIC ng aking trabaho ngayon. Pakiramdam ko’y di na ako makahinga…iniwanan pa ako ng dalawang kasama ko, ako tuloy ang back-up nila ng walang kaabug-abog! haiz…

Bakit nga ba nasasabi nating “TOXIC” tayo kapag sobra ang kabisihan? Dahil ba sa di na tayo makahinga? Ang ka-bisihan ba ay parang lason? Ewan ko din…naisip ko lang ito, nag-umpisa kasi noong Lunes ang aking ka-toxican, kaya buong linggo, na-carry over…mag-pamahiin ba ako sa mga panahong ito…

Pero seriously speaking, palagi kong nararanasan ang ganitong scenario. If I started the week right, all days of the week are pretty good, pero kapag ganitong Monday eh Manic Monday na, toxicology ka pa…the whole week ay asahan mo nang toxic ako…

Subalit datapwat…haha…minsan kase, Saturday nag-start na outlook sa ng mga weekdays ko, carried over the following week, kaya nga pagdating naman sa money matters, dapat may pera ako ng Sabado, para lahat ng araw sa sumunod na linggo ay may pera ako…and so far, tama naman ang mga teorya kong ganito para sa aking buhay haha…

Haiz…thank God its Friday now, sana next week PETIKSOLOGY ulit…