Another Day

Another day, another person, another miss….

Hindi pa man nagsisimula, natapos na. At nung nagtapos…tsaka naman nagkalapit….

Akala ko ikaw na…hindi pala. Sayang, nag-alinlangan pa naman ako sa iyo nung una…akala ko kabilang ka sa ikatlong pangkat, pero hindi pala. “Gentle” ka lang talaga…

Heto na naman ako, nagsusulat sa kung anumang kadahilanan…feel ko lang siguro ngayon. For recording purposes lang bago ko makalimutan…para maikwento ko lang.

Nakilala ko kasi siya mga 2 taon na nakakaraan…magkasama kami sa trabaho. Yun, he caught my attention, may kakaiba kasi sa kanya. Pero ang kapansin-pansin ay ang malalim niyang mga tingin…ako naman kasi si walang alam…hindi ko alam na senyales pala yun…kaya lang hindi nagkaroon ng pagkakataong mapayabong sa isang pagtitinginan dahil para na naman akong tuod na NR – “no reaction”. Napansin ko siya…hindi ko lang inintindi ang mga senyales niya. Kasi naman bakit mahiyain din…pareho pa kami. Gwapo pa naman siya….kaya inakala kong bading siya.

Pero isang araw, ako’y nagulat nang makumpirma kong hindi pala…dahil ikakasal na siya…Whaatt??? Ouch!

Ayun! Nagising ako sa katotohanan na gusto ko pala siya..ngunit huli na naman ang lahat. Palagi na lang akong ganito, paano ba ang lumandi? Hindi kasi talaga ako marunong..Buti na lang hindi  ako sobrang na-fall sa kanya, napigilan ko pa nung nalaman kong mag-aasawa na siya. Siyempre, hindi naman pwedeng I-pursue ang taong nakatali na. Sayang talaga…baka siya pa naman yung the present one who got away….may ganun???

Sa ngayon, civil na lang kami, at puro trabaho ang usapan. Kaya lang, feeling ko ay pinaglalaruan na naman ako ng pagkakataon. Dahil habang mas nagiging madalas ang aming pakikipagtalastasan sa isa’t isa, siya naman na mas napapahanga ako sa kanya…bukod sa nakikita ko ng mas malapit ang kagwapuhan niya…nakikita ko din ang angkin niyang katalinuhan…at sa muli pa…kasabay nito ang paalala ng aking konsiyensiya na “taken” na siya.

Kaya naman so be it….it’s just another day…darating din ang para sa akin….

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: