My First White Christmas

Masasabi kong ito ang Paskong aking pinangarap na maranasan, subalit anupat nararamdaman kong, habang lumalapit ang araw ng kapaskuhan sa lugar na ito ay lalo ko namang nami-miss ang Pilipinas. Natitiyak kong sa mga panahong ito, mas mahaba na ang open hours ng mga malls, lalo pa at bigayan ng bonus at 13th month pay. Madami ang nag-rush shopping at siyempre, andyan sa paligid ang nagkikislapang mga ilaw.

Nakaka-miss talaga, ang ilaw, ang kulay, ang ingay, at ang ngiti ng mga Pinoy tuwing Holiday season. Isama mo na dyan ang mga nangangaroling na may dalang lata, lalo pa’t mga bata na siyang araw araw kumakanta sa tapat ng bahay niyo para lamang sa pisong ibibigay mo. Nakaka-miss din siyempre ang mga batang inaanak ko, lalo na ung mga cute hehe…

Bagama’t masarap din maranasan ang ibang pagdiriwang ng okasyong ito, hindi mo maiaalis na manatili sa ating dugong Pinoy ang kulturang kinaugalian, kung saan masaya at very festive ang celebration.

Bakit Ba Ang Hirap Magmahal?

Naitanong ko lang? Naramdaman ko lang? Pero sa kabilang banda, mas maganda nang ipagpatuloy ang nararamdaman kesa pigilan, dahil kapag lagi mo daw pinipigil, lalong nanggigil di ba?

Minsan, di mo inaasahan na darating ito, at sa pagkakataong na-realize mong mahal mo ang isang tao, tsaka mo naman malalaman na…oooppppsss…..hindi pala dapat. Kaibigan mo na lang siya at kahit kailan di pwedeng kayo? Eh bakit nga ba hindi??? It’s either mayroon siyang ibang mahal or isa lang bawal na pag-ibig? Hay….sa lamig ng winter, lalong depressing ito. Wala akong magawa kundi ang magdasal na lang at ibaling ang atensyon sa ibang bagay bagay. Mabuti na lang at napakabait ni PJ, binigyan niya ako agad ng trabaho dito.

Ang di ko lang maintindihan ay bakit ako nalagay sa alanganing sitwasyon….lalo na sa pag-ibig. Kung pwede lang sana nga…pero sa ngayon masaya na akong isa ko nang best friend ang tinutukoy ko. Sabi ko nga “We’re better off like this, just friends…” yes, very good friends kami. Para kaming mga sira kapag magkausap. Hindi lang talaga pwede ang pag-ibig. Pero ang pagmamahalan ng magkaibigan ay pwede naman. Ayaw kasi ni PJ ng pag-ibig na ito…nagkataon naman na mahal ko naman si PJ, at takot ako sa kanya…kaya umaasa akong malalampasan ko ito…at sa pagdating ng takdang araw ay makilala ko naman ang pag-ibig na hinahanap ko. hay talaga….

Masaya naman ako ngayon, dahil tanggap ko na ang ganitong sitwasyon. At least may nagmamahal din sa akin kahit papaano. Si Mr. I kasi, wala namang kapagapagasa sa kanya….hay talaga…

Bagong CD ni Sarah

Sa lahat ng album ni SG, ito siguro ang the best, JUST ME ang title nito, at ang tema ay iba’t ibang kulay ng pag-ibig. Hindi katulad ng mga nakaraang recordings niya, na halo-halo ang tema mula sa pag-iibigan hanggang pagkakaibigan at encouragement. Kakaiba ang tunog ng mga kanta at animo’y isang foreigner ang kumakanta. Naka-duet nya pa ang pamosong miyembro ng Backstreet Boys na si Howie Dorough, datapwat, di ko sobrang paborito ang inawit nilang dalawa.

Mabuti na lang at may mababait na kaibigan at binigyan ako ng cd, may kasamang autograph ni SG at naiparating sa akin ng maayos. Salamat sa inyong lahat hehe…

😀

JUST ME….REVIEW