Gising na Gising

Hindi ko alam kung bakit gising na gising pa din ako sa mga oras na ito, matapos ang isang nakakapagod na araw. Kanina lang ay kasama ko si mader, sinamahan niya kasi ako sa doctor para sa follow-up check-up ng aking allergic rhinitis. Mag 4 na buwan na kasi akong inuubo, at isang dosenang bote na yata ng cough syrup ang nainom ko, isama mo pa dyan ang 14 na pirasong zegen, 7 pirasong zorbixol at 5 pirasong ambroxol na unang iniriseta sa akin ng isang doktor, hindi pa din gumaling.

Sabi ni Dr. Jao ay isa daw palang allergic rhinitis ang naturang karamdaman, di naman siya nakakamatay, ngunit sadyang mahirap ang inuubo, kaya ako’y kumonsulta na sa eksperto. Nalaman ko kanina na ang nararanasan ko pala ay persistent type ng AR, at ito ay di sa dahilang polluted na talaga ang kapaligiran, kundi dahil namana ko ang genes ng aking mga ninuno. haha…. Ang polusyon sa kapaligiran ay isa lamang sa nagpapalala ng pag-ubo, kung kaya’t ako’y naiinis sa mga smoke belchers, na kahit may CLEAN AIR ACT ay wala namang ipinagbago. Tila bawat sasakyan pa ngayon ay nag-smoke belch lalo na ang mga walang pakundangang jeepney, tricycle at PUB. (sumegway na naman ako)

——

Anyway, ang nais ko lang naman sabihin gaya ng pamagat ng blog entry na ito ay, gising na gising pa din ako hanggang ngayon. Kung bakit kamo, ito’y sa dahilang ang mga Vedioke adek na mga kapitbahay namin ay umatake na naman. Mabuti sana kung kasing galing sila ni Sarah o di kaya ay ni Erik or Christian or Josh na kumanta. Ang masakit nito, ay masakit sa tenga ang kanilang mga boses, kulang na lang mapatid na mga litid nila sa pagsigaw ng sintunadong kanta. At isama mo pa dyan ang napakalakas na volume ng machine, na tila ay sila lang ang tao sa barangay.

Siguro ay itatanong mo kung nasaan ba sila? Sila’y nasa labas lang naman ng bahay nila, sa tabi ng kalsada ng subdivision na aming kinalalagyan……at kahit anong takip ko ng tenga ko ay walang mangyari, di talaga ako makatulog….kaya good luck na lang sa akin bukas. Sana ay di ako antukin sa church.

Haiz, isang malaking buntunghininga na lang ang katapat nito. Di ko sila pwedeng sawayin dahil sila’y mga pasaway nga! Sana nga lang ay umuulan, ito ang mga panahong mas kinagigiliwan ko ang pag-ulan. Nang sa gayon, ang mga adek ay manahimik!

Bakit ba marami sa mga Pinoy walang respeto sa kapwa? Mabuti sana kung umaga o tanghali, ang kaso ay gabi na…….ay hindi pala…….umaga na…….lumipas na ang gabi…….at walang mga pakundangan! Mabuti na lang may blog! kung wala, ewan ko….at mabuti na lang kahit anong gawin ko ayaw tumaas ng blood pressure ko.

Ilawan ang Pasko sa Puso Mo

Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ngayon dahil sa kakulangan ng supply nito, isa sa pinakanapapanahong gawin ay ang pagtitipid ng enerhiya. Ngunit paano nga ba makakapagtipid nito ang isang simpleng Juan Dela Cruz, lalo na sa panahon na sasapit na naman ang pinakamasayang season ng Pasko?

Kani-kanina lang ay napanood ko ang TV Patrol at ang naging panayam kay DOE Secretary Angelo Reyes. Ako’y medyo napatawa sa kanyang naging kasagutan kung paano ba ma-solusyunan ang problema ng krisis sa enerhiya at isa nga sa mga nabanggit niya ay bawasan daw ang mga oras ng pag-iilaw sa mga billboard dahil sa mga neon lights ng mga ito na gumagamit ng kuryente, subali’t pag-usapang Christmas light sa mga poste at daanan ay ibang usapan na daw yun. Ito’y sa kadahilanang naging bahagi na daw ito ng kulturang Pinoy tuwing ipagdidiwang ang Pasko.

Subalit sa aking hamak na pananaw, ito’y isang malaking katatawanan sa kababawan ng kasagutang naturingan. Para sa akin, ang panahong ito ay panahon ng pagbabago, kung kailan dapat ay maging matalino tayo sa pag-babalanse ng ating mga resources para mabuhay. Kung para lang mapagbigyan ang kinalakihang kultura ng matitingkad at naggagandahang ilaw para lamang maramdaman mo ang Pasko ay isasaisang tabi mo ang pagtitipid ng enerhiya, ito’y isang pag-aaksaya sa limitadong biyayang ipinagkaloob sa atin, at hindi ko ito sinasang-ayunan.

Ang enerhiya ay isang elementong hindi napapalitan, kung saan ang patuloy na produksyon ay kumokunsumo ng napakalaking halaga. Sa mga panahong nagkakaroon ng krisis sa supply ng langis na ginagamit upang makapag-produce ng enerhiya, kinakailangang magdalawang isip ang mga consumers kung aaksayahin lang ba natin ito o hindi. Maaring ngayon ay di ko mararamdaman ang epekto nito kung ako’y magiging maaksaya, ngunit paano na bukas at sa mga susunod na araw pa. Baka maranasan ko na naman ang kapanahunan ni Pres. Aquino kung saan humigit kumulang 8 oras lagi ang brownout sa bawat araw.

Ang Pasko ay darating anu’t anuman ang mangyari sa atin. Pero ang enerhiya, ang langis, ang produksyon nito ay may limitasyon. At paano ba natin maipagdidiwang ang Pasko sa ganang ito?

Para sa akin, ang Pasko ay di dapat tuwing Disyembre lang natin ipinagdiriwang, at di na natin kailangan ng matitingkad ang nagkikislapang ilaw para maramdaman ito. Dahilan sa ang Pasko ay dapat isinasapuso natin araw-araw, dahil ang tunay na dahilan nito ay tayo rin mismo. OO TAYO! Ikaw, ako, sila, tayong lahat. Kung itatanong nyo kung bakit, ito lang ang simpleng kasagutan ko:

    Bakit may PASKO? –> para ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesus
    Bakit ba ipinanganak si Jesus? –> para maging Tagapagligtas (Saviour)
    Bakit may Tagapagligtas o Saviour at para saan? –> para akuin ang kaparusahan sa lahat ng kasalanan ng sangkatauhan, at nang sa gayon ay maligtas TAYO

Sinasabi sa Bible na dapat tayo ay maging mabuting tagapangalaga ng mga resources na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Kung kaya’t dapat ay isabuhay natin ang wais na paggamit ng mga ito. At ang Pasko, sapagkat tayo ang “Ultimate Reason” kung bakit meron nito, ay siyang dapat nating isinasapuso at ipinagdidiwang sa araw-araw. Kung hindi nagkaroon nito, marahil ay tayo ang nakatanggap ng mga latay ng latigo at bigat ng pasanin ng krus ng Kalbaryo na dinala ni Jesus para sa atin.

Sa halip na ilawan ang mga poste, bintana at puno para maipagdiwang at madama ang Pasko, bakit di natin ilawan ang Pasko sa ating mga puso?

Mga Bagay-Bagay na Di Ko Akalain

Nakita ko lang ang link ng mga personality test na ito sa blog ni Nie, at parang totoo naman ang sinasabi ng mga resulta base na rin sa nakuha niyang resulta. Sa pagakakakilala ko kasi kay Nie, halos ganun siya, may ilang pahayag nga lang galing sa test na ito na medyo alinlangan ako. Kaya naman aking sinubukan, at eto ang mga resultang lumabas. Subukan nyo din, nakakatuwa kasi 😆

——-


Your Five Factor Personality Profile


Extroversion:

You have low extroversion.
You are quiet and reserved in most social situations.
A low key, laid back lifestyle is important to you.
You tend to bond slowly, over time, with one or two people.

Conscientiousness:

You have medium conscientiousness.
You’re generally good at balancing work and play.
When you need to buckle down, you can usually get tasks done.
But you’ve been known to goof off when you know you can get away with it.

Agreeableness:

You have high agreeableness.
You are easy to get along with, and you value harmony highly.
Helpful and generous, you are willing to compromise with almost anyone.
You give people the benefit of the doubt and don’t mind giving someone a second chance.

Neuroticism:

You have medium neuroticism.
You’re generally cool and collected, but sometimes you do panic.
Little worries or problems can consume you, draining your energy.
Your life is pretty smooth, but there’s a few emotional bumps you’d like to get rid of.

Openness to experience:

Your openness to new experiences is high.
In life, you tend to be an early adopter of all new things and ideas.
You’ll try almost anything interesting, and you’re constantly pushing your own limits.
A great connoisseir of art and beauty, you can find the positive side of almost anything.

haiz, parang totoo, ako’y may pagka-introvert, pero sa tingin ko, sa una lang yun, pag nag-blend na tayo, makikita mo! 😆

——–


Your Lucky Underwear is Orange


You have an intense personality and crave extreme emotional experiences. And your lucky orange underwear will help you take it to a whole new level.
Adventure and danger don’t phase you – in fact you enjoy dicey situations. You’re the first to take a risk, and the first to get the payoff.

And while your risks sometimes result in great rewards, they also sometimes result in devastating failures.
If you want to have intense moments without always risking all you have, put on your orange underpants. They’ll help you experience life with rich emotions, no matter what you’re doing.

hmmmmmmm tamang tama meron akong orange underpants 😆

———-


You Are a Brownie Cheesecake


A little chunky and a little gooey, you pretty much run on sugar!
You take hedonism to the extreme.. And people love you for it.

sounds interesting kahit di masyadong naintindihan ito! whew!

——–


Your Brain is Blue


Of all the brain types, yours is the most mellow.
You tend to be in a meditative state most of the time. You don’t try to think away your troubles.
Your thoughts are realistic, fresh, and honest. You truly see things as how they are.

You tend to spend a lot of time thinking about your friends, your surroundings, and your life.

wowowee, somehow true, gusto ko talagang mag-meditate, kaya lang minsan pag pagod na ako natutulog na lang ako.

——–


Your Old Fashioned Name Is…


Edith Feversham

anu daw yun? parang me fever??? 😆

———


Your Birthdate: December 23


You’re not good at any one thing, and that’s the problem.
You’re good at so much – you never know what to do.
Change is in your blood, and you don’t stick to much for long.
You are destined for a life of travel and fun.

Your strength: Your likeability

Your weakness: You never feel satisfied

Your power color: Bright yellow

Your power symbol: Asterisk

Your power month: May

howee! totoo kaya ito? pero in fairness, di talaga ako mapakali sa mga ginagawa ko, pag successful ung isang ginawa ko, gusto kong iba naman….

——-


You Are a Auditory Learner


You tend to remember what you hear, and you have a knack for speaking well.
You excel at debating, foreign languages, and music.
You would be an excellent diplomat – or rock star!

ahem! in my dreams siguro for now! 😆

——–


Your Superhero Profile


Your Superhero Name is The Valiant Marvel
Your Superpower is Biotechnology
Your Weakness is Anger
Your Weapon is Your Thunder Claws
Your Mode of Transportation is Stilts

wala ako masabi, di ko siya kilala hehe

——–


Your Power Level is: 79%


You’re a very powerful person, and you know that all of your power comes from within.
Keep on doing what you’re doing, and you’ll reach your goals.

huwaw, di ko keri ang powers na ito kung meron man!

———


You Are A Good Friend


You’re always willing to listen
Or lend a shoulder to cry on
You’re there through thick and thin
Many people consider you their “best friend”!

well, i can listen but i can’t guarantee that i’ll be your best friend 😀

——


Your Celebrity Baby Name Is…


Luna Avalon

para namang lunatic! haha

———-


You are a Rocker Girl!


If you don’t have musical talent, you’ve got a talent for picking out great CD’s.
Music rules your life – and you’ve got the best MP3 collection of anyone you know.
Many guys find you intimidating, but a select few think you’re the catch of a lifetime.
Start hanging out in more used record stores, and you’ll find love with a fellow rocker!

oh my gulay! excited si kapatid, peborit kasi namin mag-hangout sa record bar! 😆 too good to be true! 😆 apir daw sabi ni Nie ang lukaret talaga!

——–


Your Karaoke Theme Song is “Since U Been Gone”


You are a very expressive and genuine person.
You’re not so emotional that you wear your heart on your sleeve – but you’re not afraid to show how you’re truly feeling.

Whether you’re singing along in the car or singing on stage, your favorite songs make you get a little carried away.
You’re definitely the type most likely to dream of becoming a rock star!

You might also sing: “Livin’ La Vida Loca,” “I Will Survive,” or “Hollaback Girl”

Stay away from people who sing: “I’ll Make Love to You”

basta peborit ko sa karaoke ngayon eh Kitchie Nadal! haha 😆 ano ba yan, rock star daw ako! haha, ni di nga ako marunong mag-gitara eh 😆

——–

yan lang muna, ang dami pa, nakakatuwa kahit sounds too good to be true ung iba hehe.

%d bloggers like this: