Q-L-C

Q-L-C

Parang Quezon City lang ang ibig sabihin…pero ang ibig sabihin ng mga letrang yan ay ang “Quarter-Life Crisis”. Oo, hindi ka nagkamali ng basa….QLC nga talaga 😦 Maaring nagtataka ka bakit na naman ba? Ano na naman ka-dramahan yan Mousmous???

Sabi ni Mous…hindi niya maipaliwanag na naman ang sarili niya…depression yata ito…pero ayokong isipin na ganun, dahil hindi naman ganun ka-grabe ang nararamdaman ko. Eto yung mga panahong bigla na lang akong nakakadama ng matinding kalungkutan…yung tipong bigla na lang bumabagsak ang mga luha mo? Ito yung pakiramdam na parang nawawala ka sa kawalan…Salamat na lang at sa panahon ngayon ng “digital age”, meron nang alterntatibong paraan para mailabas ang nararamdaman gaya ng pagsusulat sa mga bulog.

Read more of this post

September 4 OwEyt

September 4, 2008

Yan ang araw kung kalian nagsimula akong maniwala na ang totoong pagmamahal ay walang pinipili. Hindi ko pa alam noon na naniniwala na ako, pero totoo palang mayroong unconditional love na masasabi. Kapag kasi pinag-uusapan na ang “love”, ang daming ibig sabihin, ang daming opinyon, at sari-sari ang karanasan dito ng bawat kasali sa usapan. Pero sa dinami-dami ng ibig sabihin ng “love”, dalawa pala ang kahulugan nito sa wikang Filipino/Tagalog.

Ayon kay Tito Frank (hindi ko siya kamag-anak, tatay lang siya ng bespren ko dito), ang “love” daw ay may dalawang klase…ito yung “pag-ibig” at “pagmamahal”. Kapag sinabing “pagmamahal”, ang ibig sabihin daw nito ay ang love or pagmamahal natin para sa kahit kanino; katulad ng pagmamahal sa magulang, kapatid, kaibigan, o sa kapwa tao. Ngunit kung ang pinag-uusapan na daw ay “pag-ibig”, ito na yung love or pagmamahal sa isang “iniirog” o “sinisinta”. Ang lalim di ba?! Akala ko hindi ko mage-gets ito! Pero may punto si Tito Frank, at iba nga ang konteksto ng “pag-ibig” sa “pagmamahal.”

***

Read more of this post

%d bloggers like this: