“Shall We Dance?”

Noong nasa elementarya pa lamang ako, nagtanong ang aming guro sa Ingles sa mga kalalakihan kung ano ang tamang pagsasabi kapag may gusto kang isayaw na babae. Ang mayorya ng sagot ay “May I dance with you?” o di kaya naman ay “May I have this dance?” o “Can I dance with you?”

Sa kabila ng mga pangkaraniwang sagot, naibulalas ni Guro ang mga sarkastikong tugon sakaling mamilosopo ang babaeng inayang sumayaw, katulad ng mga sumusunod:

T: “May I dance with you?”
S: “Wala namang pumipigil sa iyo na isayaw ako. Bakit ka ba nagpapaalam?”

T: “May I have this dance?”
S: “Sure! Iyong iyo na ang sayaw! Ikaw na lang ang sumayaw.”

T: “Can I dance with you?”
S: “Ah…masakit paa ko eh…” o di kaya “May kasayaw na ako eh” o di kaya “May kasayaw na ako, sorry.”

——-

Kaya naman sabi ni Guro, ang tamang pagtatanong with authority na hindi ka daw mapipilosopo ay ang katagang “SHALL WE DANCE?” Sa ganang ito daw, kalimitang mababatid ang ka-maginoohan at respeto ng lalaking magyayang sumayaw; at bilang kapalit, hindi daw iisipin ng babaeng inimbitahang sumayaw na mamilosopo o tumanggi dahil ang pagsasabi ay puno ng paggalang.

——-

Hindi ko alam kung saang sulok ng silid-aralan nakuha ni Guro ang lohika o masasabi kong teoryang ito, subali’t napagmuni-muni kong may sense naman ang kanyang sinabi.

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

4 Responses to “Shall We Dance?”

  1. doon po sa amin ay nagsabing:

    hey, naaalala ko tuloy kwento ni ma’am winnie re: lablayp nya. friend nya si christian [atty. monsod], na pinagrereklamuhan nya na there’s this guy daw who asked her, after a date, “can i kiss you?” siyempre, pa-modest daw sya, sagot sya ng “of course not.” tapos, parang puputok ang bumbunan nya dahil medyo gusto nya si guy.

    after ng kilometric nyang pag-aangas kay christian, sabi ng huli, “i’m going to kiss you.” so, ayon, naging sila, he, he… so, tama si titser mo, i suppose. dapat decisive pero polite ang lalaki. :-

    btw, anlagay na ito ay nakikiraan lang ako, ha? :] hi sa ‘yo…

  2. mousmous ay nagsabing:

    oo nga, sang-ayon ako sa iyo, dapat decisive…yun ang mga nagiging successful!😀

  3. doroastig ay nagsabing:

    para maiwasan ang mga pamimilosopo, tagalogin ‘nyo na lang – “pwede ba kitang maisayaw?”

  4. doroastig ay nagsabing:

    Words to ponder on this season of Lent here

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: