Workaholic

Workaholic….

Yan….ganyan ko I-describe ang sarili ko ngayon. Hindi kasi inaasahan, biglang nagpasiya ang aming kumpanya na mag-reorg at kaakibat nito ay magbawas ng tao. Pero hindi lang basta empleyado ang pinaalis nila…ito ang mga empleyadong may mataas na katungkulan gaya ng bise-presidente ng aming dibisyon. Nakakalungkot man, kailangang mag-move on at tanggapin ang mga pagbabago. Kasabay ng mga pagbabagong ito ay ang pag-downsize ng aming grupo…kung dati ay 3 kaming taga-plano ng mga materyales, ngayon ang 2 na lang kaming sumasalo ng lahat ng trabaho.

Tunay na nakakapanibago…pero ika nga ni Jeff (ang kasama kong nailipat sa ibang grupo bilang parte ng pagbabago), ito ay “continuous pasteur”…Mas mabuti na nga naman matambakan ng trabaho kaysa sa walang trabaho. Ang hirap pa naman dito sa Canada, or sa kabuuang Amerika, kapag hindi ka nagtrabaho…wala kang pambayad sa mga bills at kautangan mo. Hindi kasi nabubuhay mga tao dito ng walang bills…hindi katulad sa Pinas, kahit nasa bukid ka at may tanim kang gulay sa bakuran, mabubuhay ka na.

Minsan, ang sarap isipin na napakasarap talaga ng simpleng buhay sa Pinas, pero sa aking palagay, marami na din nagbago dun. Kasabay ng mga pagbabago sa lugar na kinaroroonan ko ngayon, ganun din ang nangyayari sa aking bansang sinilangan. Kaya ba’t pinagtutuunan ko na lang din ng pansin na pagbutihin ang aking trabaho…maging “workaholic”, at maipakita sa mga banyaga na ang Pinoy ay tunay na masipag at maasahan…

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Sarado na ang mga puna.

%d bloggers like this: