ANG KABOKS: Si Aryan – ang nuknukan ng kulit!

Simula ngayon, ay aking isasalarawan ayon sa aking pagkakakilala ang aking mga kaboks dito sa cyberspace. At chempre, dahil ako’y makulit, at dahilan sa siya’y adopted sister na daw namin, siya ang una kong i-feature dito sa protion na ito ng aking bulog!๐Ÿ˜†

Si Aryan! ๐Ÿ˜€ (maganda sana kung may peechur, pero sa susunod na lang, baka mawindang kapag nakita niya sarili niya dito :lol:)

Hokie, hokie, si Aryan, sino nga ba siya? Di ko na sasabihin ang username niya sa PEX, pero ilang buwan pa lang ang nakaraan nang magsimula siyang makipagkulitan sa amin sa forum na iyon. Una ko siyang nakilala sa sg.com, subalit isang araw ay nagkaroon ng pagpupulong kay mareng YM, kaya naman naka-usap ko siya sa mas mabilis na paraan ng usapan. Sa ganang akin, ang unang impresyon ko sa kanya ay katulad ng karaniwang bata sa sg.com, kung saan wala naman akong gaanong interes dahilan sa ang mga bata ay ugaling bata pa nga hehe (except for some of course, baka kasi may magalit sa akin).

Simula nang makausap ko siya sa YM, naging mas madalas ang aming pag-uusap. Sa tuwing umaga ay may kakatok na sa akin at babatin ng magandang umaga habang ako’y nasa aking opisina. Kung minsan ay petiks ako, kung kaya’t mula sa simpleng “Hi” at “Hello” ay mapupunta ang usapan namin sa interrogation, yun bang tinatanong na ang ibang bagay tungkol sa aming mga sarili hehe. Di naman sana ako mag-dwell sa ganung usapan, subalit ang batang ito’y sadyang makulit, at ako’y naaliw sa kanya kaya’y ako’y nagtuloy sa pakikipag-kwentuhan sa kanya.

Nalaman kong siya’y nahahabaan sa kanyang pangalan dahilan sa gaya ng iba, binubuo ng 2 pangalan ang totoong First Name niya :D…at siya ay 15 taon pa lamang๐Ÿ˜€ nag-iisang anak, kaya naman giliw na giliw sa kanyang mga bagong ate๐Ÿ˜€ Isa siyang madramang bata, at certified maka-ashlo! pero nung may PNB pa, hinihimatay sa Emerrence!๐Ÿ˜†

Minsan ay nagbiro siya kay ate marz patungkol sa kanyang kasintahan kuno, na naging sanhi ng pagwo-walk out ni ate marz nang malaman ang totoo. Di naman nagalit sa kanya, subalit gusto lang siyang biruin din para quits na sila at matuto siya na minsan ay nakaka-hurt (tama ba ate marz? :D) ang mag-biro. Dahilan sa hindi siya pinapansin ni ate marz nang mga panahong iyon, halos mapuno na ng crying smileys ang PEX at YM๐Ÿ˜† hanggang sa kinailangan niya ng tulong para maipahatid ang kanyang apologies kay ate. Pinayuhan ko siyang lambingin na lang si ate marz at maging sweet, subalit di daw siya marunong, kaya naman nauwi sa tutorial ang pagsasabi ng mga “cheezy lines” kay ate marz. Mabuti na lang at dahil sa pang-ignore niya kay aryan, nasabi niya ang mga linyang

“who’s ate marz? is it the planet?”

At dahilan dito, nabuo ang mga katagang, “Si ate marz ang planeta ni aryan!”. At nawala na sa walk-out mode si ate marz nang mga sandaling iyon!๐Ÿ˜†

Chempre pa, ang nuknukan ng kulit na bata ay masaya, simula noon din ay tinatawag niyang planeta niya si ate๐Ÿ˜† ahihi…

Ngayon naman, ay adopted sister ko daw, wala akong kaaalam alam na ang kapatid kong DMS ay ni-recruit siya na maging adopted namin! Kunsabagay, pwede naman dahil alike ang ating mga figures๐Ÿ˜† pero chempre pa, mga seksi naman tayo kahit ganon! ahihi๐Ÿ˜€

—–

yan si Aryan…..libre ang mag-komento dito, wag lang kayong harsh ha!๐Ÿ˜€

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: