Another Day in the Jobless World…Ano na kasunod?

Ayan, matapos kong lumabas sa ospital, eto at kumekembot na ulit sa blog…ano pa nga ba? Nakaka-bore dito sa bahay…walang magawa, wala ka namang trabaho dito….

Isang araw na naman na walang trabaho, namnamin dahil kapag balik opisina na eh ayan na naman ang isang tambak na gagawin (parang may ginagawa daw ako hehe)….pano na kaya kung tuluyan na akong mawalan ng trabaho?

Noong Miyerkules, tinawagan ko si Ma.Lui para makisuyong ikuha ako ng Philhealth Claim Form para naman wala na akong bayaran sa hospital bill ko….nang naibulalas niya ang isang inaasahang balita na matagal nang bulong-bulungan sa opisina…..at yeS! yun at totoo nga! magsasara na ang kumpanya namin! Wahahaha!

Ano ba?! Baliw ba ako? Parang sobrang saya ko pa…ang totoo…wala lang, masaya ako kasi di naman ako affected, kasi malapit na din akong mag-resign, pero nakakalungkot para sa mahigit 3000 pang empleyado…pano na ung mga may edad na…mabuti na lang at maganda daw ang separation package na ino-offer…hmmm….iniisip ko tuloy kung magre-resign ako o hintayin ko na lang yung offer…hehe…pero kahit malaki pa ang separation package na ibigay, di naman panghabangbuhay na maisasantabi mo iyun…bagkus, ito’y mauubos at mawawala ng tuluyan…pagkatapos…ano na kasunod? Eh wala ka ngang trabaho di ba? Kung nasa retiring age ka na, pwede kang magnegosyo, pero sa estado ng Pilipinas ngayon, napakahirap magnegosyo kaya…ewan ko lang din, bigyan niyo nga ako ng ideya para makapag-negosyo na lang din…hmmm

Sa susunod na taon, pano kaya bibigyan ni GMA ng trabaho ang mga mawawalan na ito? Hanggang Disyembre na lang daw ang operation, so I guess, hanggang mga March of next year pa bago tuluyang lagyan ng CLOSED sign ang kumpanya….

Tsk tsk tsk…pano nga ba masasabing umuunlad ang Pilipinas, malaki yata ang kontribusyon ng kumpanya sa export ng bansa, kung isasara ito, malaki ang mababawas na naman sa pigura ng GDP…halos mag-recession na kasi ang US, kaya affected din ang ating mahal na Pilipins…opkors wala naman tayo magagawa dito…ano pa nga ba, may mga bansang mas mura ang operations cost tulad ng China at Vietnam, at itong Vietnam, napaka-promising dahil under the development/industrialization stage siya…..

Kawawa naman talaga ang Pilipinas, bubuhayin na lang ba tayo ng mga trabahong pang-call centers? Hindi sa minamaliit ko ang trabahong yan, pero halos di naman ma-develop ang nakararami sa talento ng isang tao sa ganang trabaho, mas natututo lang maging sosyalera ang mga call center agent dahil pagkalabas ng work lalu na kung galing kang Makati or Ortigas or QC, derecho gimik na sa mga bars…pero ang utak, hinahangin na din…naranasan ko kasi ang trabahong yan sa loob ng 3/4 araw, at oo nakakabato…mas gusto ko pang magtanim ng palay at obserbahan kung paano mabubuhay ang mga halaman sa limitadong tubig kesa maghintay ng tawag sa loob ng 8 oras…at take note, di lang sa loob ng 8 oras huh, sa loob ng 8 oras habang ang karamihan sa Pilipinas ay mahimbing na natutulog…

Tsaka pano naman magiging akma sa lahat ang call center jobs? Di naman lahat ay fluent sa salitang Ingles, di din lahat ay nakatuntong ng kolehiyo…sa aking pagkakaalam, karamihan sa tinatanggap dito ay nakaabot ng kolehiyo man lang….tsk tsk tsk…kumusta ba ito? Ano na gagawin natin Madam President? Pwede bang gumawa tayo ng trabahong magbebenefit ang mga nasa rural areas? Tutal ngayong may “krisis” kuno sa bigas, mas maganda siguro na paunlarin ang agrikultura….ung mga iskwater sa Metro Manila, pabalikin niyo na lang sa mga probinsiya at bigyan ng puhunan para magtanim ng palay, nakatulong pa sa decongestion ng metropolis…

Hay, ganito talaga pag nagkakasakit…kung ano ano naiisip ko….di ko alam…tinamaan na din yata ang brain cells ko, kasi naman ang mga bacteria at virus na ito, di nagpapaalam na lulusob pala haiyz….

Sana bukas, sana pagkatapos ng lahat…may magandang araw na naghihintay sa akin sa lupaing pupuntahan ko… 🙂

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng puna