Wavy ako…wavy kasi ang bff ko, wavy talaga…ano bang depression ito at nakakahawa…matutunaw na mga snow, sumisibol na mga dahon sa puno. Bakit ngayon? Dapat ang tagsibol ay simbolo ng panibagong buhay, panibagong pag-asa matapos ang “gray days”.
Bakit nga ba kahit anong narating ng isang tao, kung ang mga bagay na kanyang tinatamasa ay walang kabuluhan, walang saysay ang lahat…Subalit sabi ko nga sa kanya, ang kahit anong bagay ay walang saysay kung hindi ito bibigyan ng importansya.
Patuloy na basahin ang →
Mga Kategoriya: Bagay-bagay Lang · Kakesohan
Pebrero 28, 2009 · Mga Puna
Heto na naman ako, ilang araw ko din hindi nabisita ang bahay kong ito. Ang weirdo ng pakiramdam ko. Gusto kong umiyak, hindi ko maintindihan kung naho-homesick ba ako o ano? Sa totoo lang miss ko na prends ko.
Kagabi kasi napanaginipan ko si mamavic, di ko alam kung bakit bigla ko siyang napanaginipan. Di ko naman siya iniisip nitong mga nakaraang araw. Nawirdohan lang ako kasi parang may dinaramdam siya sa panaginip ko, kaya nung nagkita kami, niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang totoo ang nangyari, parang nabuhayan siya nung nagkita kami. Naramdaman ko ang higpit ng yakap namin, muli daw kasi kaming nagkita.
Patuloy na basahin ang →
Mga Kategoriya: Di Pangkaraniwan · Kakesohan
Pebrero 11, 2009 · Mga Puna
Eto ang tipo ng high-class beggar dito sa Canada. Kung sa Pinas, bulag na gitarista o di kaya naman eh banda ng mga senior citizen ang makikita mong nagpe-perform sa mga palengke o kaya ay sidewalks, dito naman ay biyolin ang tinutugtog para sa karampot na baryang maipapamahagi ng mga may mga malalambot na pusong mamamayan.
Kunsabagay, magkano nga naman ang barya dito? Sa 3 dolyar, mahigit isang daang piso yata ang katumbas nuon, kung bigyan sila ng ganung halaga, makakapag McDo na sila dito.
*woot*
Mga Kategoriya: Bagay-bagay Lang · Di Pangkaraniwan · Kwentong Kartero
Pebrero 6, 2009 · Mga Puna
Kanina habang binisita ko ang isang bahay ko dito sa cyberworld, nasulyapan ko ang Multiply site link ng TV commercial director na si Paul Alexie. Isa pala sa pinakabago niyang likha ay ang TV ad ng Pizza Hut.
Isang mag-asawa ang nagtitipid, ang gumawa ng sariling flat panel TV sa kanilang bahay. Naisip ko tuloy na bakit di ko kaya gawin din ito ngayon, tutal wala pa akong TV dito, at pangarap ko din ang magkaroon ng flat panel na ganyang kalaki.
*VIDEO SOURCE:
Basinilio, P. January 27, 2009. Nagtitipid? Retrieved February 5, 2009 from http://paulbasinillo.multiply.com/video/item/73
Mga Kategoriya: May bago ba??? · Nakaw na Sandali · Pampalibang
Pebrero 4, 2009 · 1 Puna
Heto na, sa kabila ng krisis saan mang panig ng mundo, wag sana nating kalimutang ngumiti at pasayahin ang ating mga sarili.
Hindi talaga ako maka-get over kapag ito ang pinag-uusapan, siyempre, favorite ko si SG at si Lloydie, tapos pinagsama pa sila sa movie, ang cute. In fairness, talaga namang nakakakilig ang unang pelikulang pinagtambalan nila na A Very Special Love. Quite memorable din ito dahil sa kagustuhan kong mapanood ito noong isang taon, siya namang araw ng pag-alis ko sa Pinas yung premiere night ng nasabing pelikula. Mabuti na lang at may mga mababait pa din tayong prends dun at binigyan ako ng DVD.
Sa ikalawang kabanata ng istorya nina Laida at Miggy, ano naman kaya ang susunod na mangyayari? Siyempre mag-syota na sila dito. hehe
Sa tingin ko naman ay bagay sila, nararamdaman ko naman na may “onscreen chemistry” sila, isa pa, pareho silang may wholesome image. Gusto ko din naman pag ka-partner ni Lloydie si Bea Alonzo, pero siyempre, parang double-prize kapag si SG at Lloydie ang mapapanood ko. ang bias ko talaga. haha
At inilabas na pala ang music video ng bersyon ni Sarah ng awit na ito…makaluma, malumanay, at malambing bias na naman.
Na-miss ko tuloy si Jeng, ung kaopisina ko dati, kasi nung panahon ng A Very Special Love movie, ginagaya niya din si Sarah sa pagkanta ng awit na ito. Kwela ang bawat umaga namin dahil dito. hay. kaka-miss lang…
*VIDEO SOURCE:
You Changed My Life in a Moment by Sarah Geronimo Official MV, Retrieved February 4, 2009 from http://starcinema.multiply.com/video/item/88/You_Changed_My_Life_in_a_Moment_by_Sarah_Geronimo_Official_MV
Mga Kategoriya: Kaadikan · Kakesohan · Pampalibang
Enero 28, 2009 · Mga Puna
Hindi talaga mapigilan ang pagbulusok pababa ng pandaigdigang ekonomiya sa mga panahong ito. Sa araw-araw na nagbubukas ako ng aking computer, tatambad na lang sa aking mga mata ang mga balitang si ganitong kumpanya ay nagbawas ng tao at kung ano ano pa. Ano na ang kasunod pagkatapos nito?
Kahapon lang nakausap ko ang dati kong kasama sa trabaho, at nakumpirma kong ang Intel ay tuluyan nang mawawala sa Pilipinas. Marahil ay hindi matatapos ang taon ay tuluyan nang isasara ang humigit kumulang 30 taong pamamalagi ng factory ng microprocessor at chipset sa Pinas. Malaking kawalan ito, lalo na’t isa sa top exporters ng bansa ang nasabing kumpanya. Kunsabagay, di lang naman sa Pinas, dahil pati sa Malaysia at iba pang bansa ay may isasara rin sila. Humigit kumulang 5000-6000 empleyado nila worldwide ang mababawas na naman.
Patuloy na basahin ang →
Mga Kategoriya: Bagay-bagay Lang · Di Pangkaraniwan · Kwentong Kartero · Opinyon ng Panadero
Naisip ko lang isulat itong mga tanong na ito, kasi si best friend ko bumili daw ng book na may mga ganitong klaseng tanong. Baka masagot niyo kung bakit…
Bakit ang mais may buhok?
Bakit siopao, may papel sa ilalim?
Bakit ang langgam, hindi hinihika kahit maalikabok sa bahay nila?
Patuloy na basahin ang →
Mga Kategoriya: Bagay-bagay Lang · Kaadikan · Kwentong Barbero · Pampalipas Oras
Sa tinagal ng panahon nang nagsimula ang Lotto sa Pilipinas, ni minsan ay di ko nagawang tumaya nang ako lamang, dahil di ako marunong. Alam kong kelangan mong pumili ng 6 na numero, kaya lang di ko alam paano ang pagtaya…pano ba pipili. Kung bakit kung kelan ako dumating dito sa Canada, tsaka ko naman natutunan ito.
Kasi naman Patuloy na basahin ang →
Mga Kategoriya: Kakesohan · Kwentong Kartero · May bago ba???
Enero 20, 2009 · 1 Puna
Ano ba naman etong si Nieerz, nakakapukaw ng atensyon ang kanyang mga posts. Nakakapagod daw ang…
Maging maganda….
Naman…talagang nakakapagod ba? Haha! Bakit nga ba?
Patuloy na basahin ang →
Mga Kategoriya: Di Pangkaraniwan · Kaadikan · Kakesohan · Unang Hirit
Kagabi ay nanonood ako ng ASAP live streaming at siyempre, dahil naka-hookup yun sa free channel sa Pinas, eh pati mga TV ads ay napapanood din namin. Nakaka-miss talaga ang Pinoy sa larangan ng TV advertisements, madaming gimmick at ang ilan sa mga punchline ay talagang tumatatak sa isip…. gaya ng ilan sa mga sumusunod:
AVON:
Bakit ka pa maga-abroad kung may asenso naman dito sa Avon.
LACTUM:
Ikaw, kapanatag ka na ba?
– Claudine, Jodi & Carmina
Patuloy na basahin ang →
Mga Kategoriya: Balik Tanaw · Kaadikan · Pampalipas Oras